The 13th Hour

1K 22 29
                                    

May mga nagsasabing maraming kababalaghang nangyayari kapag sumasapitang hating gabi, kung saan tahimik, madilim at malamig ang hangin.

Sabi nila ay may mga pangyayaring hindi normal, hindi maipaliwanag o nakaktakot pa nga.

Pero hindi alam ng ilan, kapag sumasapit ang hating gabi ay nangyayari ang isang espesyal na bagay.

Ang oras sa pagitan ng dalawang araw, ang oras sa pagitan ng ngayon at bukas, ang oras sa pagitan ng kasalukuyan at ng hinaharap.

Dahil tuwing hating gabi ay saglitang nagpapang-abot ang dalawang yugto ng panahon, at kapag nangyari ito, ay lalabas...

Ang 13th Hour.

'

'

- - -

Naglalakad ako sa kalagitnaan ng gabi, kinukuskos ng dalawang kamay ko ang dalawang balikat, nangangatog dahil sa lamig. Napasarap nanaman ako sa pag inom sa party kayat di ko namalayang hating gabi na pala.

Pero ayos lang, ayaw ko rin namang umuwi ng maaga pagkat naiinis lang ako doon dahil puro away sina mama at papa, ang masama pa hindi naman family matters ang pinagtatalunan nila, kundi puro sa bussiness. Nakalimutan na ata nila ang tungkol sakin.

Anyway, naglalakad ako ngayon sa isang daanang kakaunti lang ang bahay, karamihan ay mga puno at nagtatasang damo, maliwanag ang sinag ng bilog na bwan pero kahit wala iyon ay ayos lang dahil kabisado ko na bawat liko ng daang ito. Hindi ito shortcut pero mas gusto kong dumaan dito dahil tahimik at walang dumaraang sasakyan at tao pagkat nakakatakot daw ang daanang to. Pero ako hindi ako natatakot.

"Na, na na, na na~!" sabi ng tinig na narinig ko. Kahit gusto kong magpaka cool, di ko maitagong kinilabutan ako sa narinig ko.

"Na, na na, na na~!" rinig ko uli. Di ko na alam ngayon kung ano ang dahilan ng panginginig ko, sa lamig ba o sa takot. matagal na kong dumraan dito, mula pa nonng highschool ako, pero ngayon lang ito nangyari. Pinakinggan ko kung saan nanggagaling, sa bandang unahan pa ng daanan, sa likod ng isang malaking puno sa tabi ng daan.

Kahit ayokong makita ay wala akong pagpipilian dahil doon papunta ang daang tinatahak ko. Dahan dahan akong naglakad habang nakatitig sa puno. Sa likod nito ay unti unting lumilitaw ang isang malaking bulto ng bato, nakikita ko na dati pa ang batong yon na sabi nilay parte ng dating nakatayong gusali noon malapit sa daan.

"Na, na na, na na~!" sabi ng boses, palapit ng palapit ang tunog, natanto kong boses ng isang babae. Una kong nakita ang dalawang makinis at maputing mga paa, kumakampay kampay pa na parang ipinang lalangoy. Sa paglalakad tuluyan ko pang nakita kung sino ang nasa likod ng malaking puno sa tuktok ng malaking bato.

Napapigil ako ng paghinga sa aking nakita, nanlaki rin ang mga mata ko.

Pero hindi dahil sa takot.

Sya na ata ang pinaka magandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko!

Doon sya nakaupo sa tuktok ng bato at mahigit isang metro lang ang layu sakin. Nakasuot ng simpleng pink dress na bumagay sa kanyang maputi at makinis na kutis, makinis ang itim na buhok, mahaba ito at medyo kulot ang dulo, parang katulad ng sa barbie doll at marahan pa itong umaalon dahil sa pag tangay ng hangin dito.

"Na, na na, na na~!" pagkanta nya habang kumukupas ang ulo pakaliwat pakanan. Kahit mukang walang rhytm ang kanta nyay hindi na ito mahalaga sakin.

Sa sobrang tulala ko'yn nabitawan ko ang hawak kong cellphone, tuamama sa maliit na bato at di sinasadyang napatunog ang ringing tone ko.

"I love you, you love me. Were a happy fami-" agad kong pinindot ang switch off na halos ibaon ang ang pindutan.

The 13th HourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon