"Sorry po Ma'am. Mahigit ilang taon na po kasing nangyari yan kaya hindi ko na po matandaan" sagot ng isang pulis na tinanong ko sa police station.
Kakagaling ko lang sa school, at dumeretso ako kaagad dito para maghanap ng lead sa kapatid ko.
Ito yung isa sa mga pulis na humawak ng kaso sa pagkabaril ni Mom. Nabaril si Mom sa isa sa mga bahay namin. Pero sinabi ng mga pulis na siya lang ang tao sa bahay noong dumating ang mga pulis.
"Tandaan niyo po. Wala ba talaga kayong maalala na baby? Ganito po ang itsura niya" sabay pakita ko ng picture namin ni Carminna.
"Wala po talaga. Ang natatandaan ko lang po, ay may crib ng baby. Pero wala pong baby sa bahay. Yung babaeng nabaril lang po ang nakita sa crime scene" sagot naman ng pulis na kausap ko.
"S-sige po. Salamat"
Malungkot akong lumabas sa police station pero hindi ako napanghinaan ng loob.
I have no lead. Wala akong magagamit kundi ang picture niya noong bata pa siya.
Pero di ako susuko. Malaki na ang kapatid ko sa mga panahong ito. Matatanggap niya kaya ang lahat... lahat ng ginawa ko sa kaniya?
Kung sabihin ko man ito sa kaniya kung sakaling makita ko siya, mapapatawad niya kaya ako.
Sa mga oras na ito, iniisip ko nalang na kahit hindi niya ako mapatawad basta makita ko lang siya na buhay ayos na.
Because what I did to her is unforgivable. Pero babawi ako kapag nakita ko siya. Ibibigay ko sa kaniya ang pagmamahal na pinilit kong huwag ibigay dahil sa inggit.
Pagabi na, pero hindi ako umuwi. And as usual, kasama ko ulit si Kevin. Mabait naman pala itong driver-bodyguard ko. Sa tingin ko it is enough para pagkatiwalaan ko siya ngayon. Di naman masama kung magpapabantay ako sa kaniya. Iniisip ko rin naman ang kaligtasan ko, hindi ko alam kung nandito ang mga kalaban ng Dad ko at bigla nalang akong dukutin or what.
Nagpunta muna ako sa paborito naming park ni Mom. Lagi kaming nandito malapit sa may fountain, dito kami nagbobonding. I miss Mom.
Hindi ko nanaman napigilan ang sarili ko sa pag iyak.
"Okay lang po ba kayo Ma'am?" Tanong ni Kevin.
"Yes" I answered.
I just wept my tears pero hindi ko pa rin napigilan ang pagtulo nito. This makes me, completely fragile. Nasasaktan pa din ako sa pagkawala ni Mom.
"Are you okay?" Pero ibang boses naman ang nagtanong.
I looked at the someone that came from my back. It is JV.
"Don't worry. Hindi ako nandito para sa mga pakulo ko, hindi na kita nililigawan. I am here, as your friend" pangunguna niya
I just sighed to him.
"Heto" he handed me a handkerchief. Kulay green ang handkerchief.
I took it at pinangpunas sa luha ko.
"Ang hilig mo sa green" I said after kong mapunasan ang luha ko gamit ang panyo niya.
Pati nga suot niyang jacket at sapatos ngayon ay green eh.
"Favorite ko kasi" sabay ngiti niya sa akin.
Ngumiti din ako sa kaniya bilang sagot.
"Oh, napangiti na kita for the first time" sabi niya habang patalon talon pa siya.
Natuwa naman ako sa kaniya. Ewan, basta feeling ko napasaya niya ako. Kahit sa simpleng kakulitan niya lang.
"Bakit pala nandito ka?" Tanong ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Both Identities Fell Inlove
BeletrieIs it possible that both identities fell inlove? Isang maganda, mayaman pero malditang tao si Fatricia. Wala siyang sinasanto. Lahat ayaw sa kaniya. Pero sa isang iglap, lahat ng yaman at kagandahan niya ay pansamantala na munang mawawala dahil kail...