Dahil Sa "WATTPAD"

95 5 2
                                    

Dedicated kay Ate Idol :* Hello po! Natatandaan niyo po pa ba ako? HAHAHA. Hello po sa inyo!



His POV:

Eto nanaman ako ngayon. Tinatanaw ka mula sa malayo. 

Tinitingnan kung ayos ka lang ba, kung masaya ka ba ngayon, kung malungkot ka ba at kung may problema ka.  Sa tingin ko parang ayos ka lang naman, parang may hinahanap kang tao. 

Sana. . . sana ako ang hinahanap mo.

Oo, tinuturing nila akong pogito dito sa school. Maraming nagkakagusto sakin pero  alam mo bang , ikaw lang ang nagustuhan ko? Ikaw lang ang nagpapatibok sa puso kong ito? 

Ikaw at ikaw lang.

Pero sa tuwing lumalakas ang loob ko na sabihin sayo ang nararamdaman ko, kung makikita pa lang kita, nawawala na lang bigla ang lakas ng loob ko. Lakas na ata ng tama mo sakin eh.

Kaya, kung kailangang palihim na lang, palihim na lang kitang gugustuhin. 

Palihim na lang kitang mamahalin.

Ok na ko sa palihim lihim lang, alam mo kung bakit?

Dahil sa paraang ito, walang ilangan. 

Walang mahihiya.

At walang iiwas.




Her POV:

Saan ka ba? Kanina pa kao lumilinga dito pero hindi kita makita.

Eto nanaman ako ngayon. Hinahanap ka.

Hinahanap ka ng mga mata ko. . . ng puso ko at isip ko.

Mahal kita, pero natatakot akong ma-reject mo. 

Natatakot akong masaktan . . . kaya palihim na lang. 

Palihim na lang kitang gugustuhin. Palihim na lang kitang mamahalin.

Ok na ko sa palihim lihim lang, alam mo kung bakit? Dahil sa paraang ito, walang ilangan, walang mahihiya at walang iiwas.

Hindi kita mahanap kaya malungkot akong umuwi. 

Pagkadating ko sa bahay, nag bukas na lang ako ng wattpad. Magsusulat na lang ako.

Sumulat ako sa wattpad pero parang letter lamang ito . . letter ko para sa'yo. 

Naglalaman ang sulat na 'to ng nararamdaman ko sayo. Sinulat ko pa buong pangalan mo. 

Wala akong pakialam kong mabasa mo man ito.

Sana nga . . mabasa mo. Ewan . . . matutulog muna ako. Bahala na.



His POV:


Naniniwala ba kayong may wattpad account ako? 

Maniwala man kayo sa hindi, meron ako.

Kaya eto, scroll lang ng scroll sa newsfeed ko.


Nang maisipan kong dalawin ang profile mo.


Tapos nakita kong may bagong storya kang ginawa.

Dahil Sa WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon