"Ma please?" I begged. Paano ba naman kasi ayaw akong payagan ni mama mag-enroll sa music lesson.
"No Vyniel..." argh! Mama why? Gusto ko lang naman matutong magpiano ah.
"Knowing you? C'mon isa na naman to sa trip mo eh" what the? Ayaw ko na. Hindi naman ako nangti-trip ah.
"Ma naman eh. Bahala ka na nga dyan" umalis na ako sa mini office niya dito sa bahay at kabeeeeem (sound effect po yan huhu) tinawanan niya lang ako. Argh! Bakit ka ganyan Mama?
Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa marating ko na ang hagdanan pababa ng bahay at muntik na akong madapa. Wooh muntik na yun.
Nakarating na ako sa dinning room at padabog na umupo. Sumimangot at nakatitig ako sa plato kong walang laman.
"c'mon Vyniel, I'm just kidding okay? Sige na. After mong kumain maligo at magpasama ka na lang at magpa-enroll ka na" wait--wait what? Tama ba pagkakarinig ko? Pinayagan na ako ni Mama?
"Wait Ma... For real? Aaaaaaaaaaaaah" then... I hugged her.
"Thank you Ma *muah*" I kissed Mama's cheeks. Pinayagan na niya talaga ako omo.
"Hey hey hey. How about me? Where's my kiss baby?" bigla akong napalingon dun sa boses. Muntik ko ng makalimutang may isa pa pala kaming kasama.
"C'mon Kien. Don't call me baby. I'm not a baby anymore so please" I rolled my eyes at him.
And Kien is my older brother but I don't call him 'kuya'. Ewan ko ba pero di ako sanay na tawagin siyang kuya.
Aki Dialing...
Pick up Aki. Pick up!
"Ano?" oops. She's mad.
"heeeey. Aki sup?" I heard her say 'argh I hate you Tien' that's why I love her.
"Direct to the point please" bored na sabi niya sa akin. Kaya ayaw ko siyang tawagan pag alam kong weekends eh. Napaka antukin kasi.
"Hey sorry na. Aki ang saya ko lang kasi naman pinayagan na ako ni Mama" I know she'll be happy kasi alam niya na gusto ko talagang mag-enroll sa music lesson eh.
Ang boring kasi ng summer ko kapag summer vacation kasi napaka busy ni Mama tapos si Kien naman aba malay ko kung saang lupalop ng mundo napupunta.
So ayun, Aki hung up. Di na siya nagsalita after kong sabihin sa kanya yun. Pero alam kong masaya siya para sa akin.
Bumalik na ako sa upuan ko at kumain ng tahimik. I told Kien na samahan niya akong pumunta sa studio ni Ma'am Lia.
"Tien anong pumasok sa isip mo bakit ka mag-e-enroll?" Kien asked. Aba malay ko rin. Basta feel ko lang na gusto kong pumasok sa music lesson tapos yun na yun.
I just shrugged at him. Then di na rin siya nagsalita hanggang sa makarating kami sa studio ni ma'am Lia.
"Hello po. Mag-enroll po sana ako" mukha namang mabait si ma'am Lia. Maganda rin siya. Nakita kong tumango tango siya.
"Ano bang instrument ang i-e-enroll mo?" sinabi ko kay ma'am na piano ang i-e-enroll ko.
Napag-usapan na namin ang presyo at schedule ng pagpasok ko. Nagpahatid na rin ako kay Kien sa bahay nila Aki.
"Aki! Ano ba! Buksan mo to! Maygash hanggang ngayon ba di ka pa rin nagigising?!" sinipa sipa ko na yung pinto ng kwarto niya tapos di pa rin siya gumigising? Argh!
Bumaba ako at nagtanong sa mga maid nila kung mayroon silang spare key ng kwarto niya and fortunately, mayroon silang extra susi.
Tumakbo ako kaagad papuntang kwarto niya at nabuksan ko na ang pinto. What the?! Tulog pa rin siya. Anong oras na ah. Di nga yata talaga uso sakanya ang salitang 'bumangon'.
"Ano ba naman yan Tien. Pwede ba pabayaan mo muna akong matulog please" sumimangot ako at umalis sa tabi niya. Ayun itinulog niya ulit. Omogosh may brilliant idea ako.
Binuksan ko ang cellphone niya at buti na lang di niya pa pinalitan ang password niya. Pinindot ko ang messenger at hinanap ang pangalan ni Ash Miller.
Ashton Miller
Active now...Me:
HiAshton:
Hello :)"OH EM GEEEEEE! Bes! Akira Faye Claydon! Wake up! Look! Ash replied. Mabilis pala siya magreply" pang-aasar ko sa kanya. Iminulat niya ang isa niyang mata at nagulat ako nung bigla niyang hinablot sa kamay ko ang cellphone niya.
Nanglalaki ang mata niya na tinititigan ang phone niya at sinamaan niya ako ng tingin.
"what? Di kasi kita magising eh kaya ayan" I chuckled. I heard her cuss. Wala lang trip ko lang siyang asarin.
Nagalit siya sa akin pero saglit lang naman kasi gusto niya rin naman eh. Paano ba naman kasi... Crush kasi niya si Ash. Psh.
Kinuwento ko sa kanya kung paano ako pinayagan ni Mama. At syempre dahil supportive siyang best friend, ayun masaya siya para sa akin.
Matapos kong makipagkwentuhan sa bahay nila Aki umuwi na rin ako kaagad. Naabutan ko si Kien sa sala na nonood ng action movie yata. Aba malay ko doon di naman ako mahilig sa action movies eh.
Dumiretso na ako sa kwarto ko at nakita kong magulo na naman ang mga bed sheets at unan ko.
"VERNON EZKIEN CLAYDEN!" binilisan ko ang aking paglalakad hanggang sa makarating ako sa living room. Binatukan ko kaagad siya.
"Ano na naman bang problema mo Tien?" bored na tanong niya. Akala mo kung walang ginawang mali eh. Papansin. Nakakainis.
"Nakakainis ka! May sarili ka namang kwarto ah! Bakit pati kwarto ko kailangang guluhin? Ha? Papansin!" hinampas hampas ko siya hanggang sa awatin na niya ako.
Ayun nag sorry na lang siya at inayos ang higaan ko. Matapos kumain ay ginawa ko na ang routine ko. Bago matulog ay tinignan ko muna ang aking facebook account at wala namang importanteng nandoon kaya pinatay ko na lang ulit ang cellphone ko.
Nakahiga na ako at narinig kong nagbeep ang cellphone ko. Inabot ko ito dahil nasa bed side table ko lang naman ito nakalagay. Binuksan ko at si Kien lang naman pala.
Kieny
Active now...Kieny:
Hey. Baby I'm sorry
about earlier.Me:
K.Pagtapos ko siyang replyan ay itinulog ko na dahil inaantok na talaga ako.
______________________________________
Vote