Sa bawat pagtibok mo sa aking sinapupunan
Tuwa at galak ko'y wala ng mapagsidlan
Ang mga masisigla mong galaw ay aking nararamdaman
Na lalong nagpapasabik sa akin na makita ka sa bawat araw na dumadaanHindi ka pa man tuluyang nakakalabas dito sa mundo
Nais kong malaman mo na minamahal kita ng buong-buo
Sa pagdating mo buhay ko'y lubos na nakompleto
Hanggat nabubuhay ako'y mananatili ka sa aking isip at pusoPanalangin ko lang na lumabas kang malusog
Sa aking pagmamahal tiyak na ika'y mabubusog
Lahat haharapin ko may kidlat man o kulog
Sapagkat mga pangarap ko para sa iyo ay sadyang matatayogTakot ang nadarama at hindi maikukubli ang kaba
Ngunit ipinapangako kong aarugain kita ng tama
Mula sa unang pagmulat ng iyong mga mata
Hanggang sa ika'y matututo nang makapagsalitaNais na kitang mahagkan at mahawakan anak
Gusto ko nang marinig ang iyong mga halakhak
Kay ganda sigurong pagmasdan ang iyong mga yapak
Sana'y mapapatahan kaagad kita kapag ika'y umiyakAno kaya ang unang salitang iyong sasambitin?
Masarap sigurong pakinggan kapag makaya mo nang itawag ang 'mama' sa akin
Lahat ng mga pagsubok ay aking kakayanin
Para sa iyo, mahal ko, aking munting supling