Kaysarap lang sariwain ang dati
Panahong mapapasaya ka na sa simpleng kendi
Mga laruang hindi man mabibili
Ngunit makakapagbigay ng ngiti sa mga labiMaghahabulan sa mga bakuran
Sa dapit-hapon naman ay magtataguan
Ganyan noon ang mga kabataan
Napapalundag sa tuwa kapag naabutan ng ulanLarong tumbang preso ay hindi pinapalampas
Ang tanging puhunan lang kasi ay lata at tsinelas
Mapagalitan man ng ina kapag iyon ay napigtas
Kasiyahan pa rin sa mukha ang tanging mababakasBaril-barilan noon ang paboritong laruin ng mga kalalakihan
Ultimo sanga ng punong saging ang ginawang laruan
Bahay-bahayan naman ang para sa mga kababaihan
Minsa'y hindi ka makakasali kapag walang ambag sa munting tahananMga laro noon na hindi kinailangang gumastos
Mayaman sa kaligayahan ngunit sa pera ay kapos
Kaligayahang naramdaman ay hindi malalaos
Masasaya pa rin ang mga kabataan kahit na naghihikahosGanyan ang mga kabataan noon
Nabalot ng kasiyahan ang mga kahapon
Malipasan man ng napakahabang panahon
Alaala ay mananatili pa rin hanggang sa ngayon