Diba sabi mo noon ay mahal na mahal mo ako?
Sabi mo pa nga natatakot kang mawala ako sa'yo
Siguro nga ay naging matapang ka dahil hinarap mo ang kinatatakutan mo
Dahil basta-basta mo na lang iniwan ang taong nagmamahal sa'yo ng totooNasaan na ang mga pangakong iyong binitawan?
Pangakong ipinako mo lang pala sa kawalan
Bakit ba bigla ka na lang bumitaw ng walang paalam?
Sana man lang nagpaliwanag ka bago mo ako nilisanMinahal naman kita noon ng buong puso
Naging masaya ako at natutong makuntento
Pero kung alam ko lang na sasaktan mo lang pala ako
Sana sa umpisa pa lang nagsuntukan na lang tayoMagbabalik ka pa ba?
Kung 'oo' ang sagot mo wag ka nang mag-aksaya
Para saan pa diba?
Iiwan at sasaktan mo lang din ulit ako, paasa!