Ayoko na, Tama na

0 0 0
                                    

Di ko alam kung dapat ba akong matuwa
Nang ipagkalat mo na ikaw ang aking syota
"Mahal na mahal ko siya" yan ang sabi mo sa iba
Pero mahal mo nga ba talaga ako, ha?

Nakita kita noong isang gabi iba ang kasama mo
Kay ganda ng 'yong ngiti habang nakikinig sa kanyang kwento
Kailangan ko na nga bang magduda sa'yo?
Paniniwalaan ko pa bang mahal mo talaga ako?

Ika-anim na buwan ng relasyon natin
Nang ikaw ay makipagkita sa akin
Mga katanungan sa isip di ko nakayang sambitin
Araw ng selebrasyon hindi ko naatim na sirain

Ngunit sa pangalawang beses nakita ko kayong muli
Magkahak-kamay habang naglalakad sa kalye
Masakit mang masaksihan ngunit pinilit kong manatili
Dinig na dinig ko pa nang tawagin mo siyang "baby"

Baby? 'Yon din ang tawag mo sa akin, diba?
Tapos malaman-laman ko na lang baby mo rin siya
Yung totoo, umamin ka nga
Magkapatid ba kaming dalawa?

Hindi ko na siguro kailangang itanong sa'yo
Sapat na kasagutan na ang nakita at narinig ko
May pa "baby-baby" ka pang nalalaman, sira-ulo
Sa huli bibitaw ka rin pala sa mga pangako mo

Sana maging masaya ka sa bago mong baby
Baka naman may isa pa tapos triplets pala kami
Hindi na kita hahayaan pang pumili
Baka malaman pa ng bago mo at ikaw ay mahuli

Bibitaw ako dahil mahal kita
Mahal kita kaya ako na ang magpaparaya
Sana tumagal pa ang inyong pagsasama
Ililista ko na lang kayo sa mga pagbibigyan ng karma

Quin Leigh's MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon