Sa Pag-ibig na Wagas, Puso ay Nawasak

0 0 0
                                    

Matatamis na salita ang mga ibinigkas.
Nangako ng pag-ibig na hindi magwawakas.
Naging masaya sa mga araw na lumipas.
Nagmahal ng lubos, naniwala ng wagas.

Pero bakit nga ba ako'y biglang iniwan?
Nilisan mo na parang wala kang pakialam.
Sumagi kaya sa isip mo na ako'y nasaktan nang lubusan?
O talagang balewala lang sa'yo ang ating pinagsamahan.

Minahal kita noon pero ako'y iyong niloko.
Pero hindi pa ako lubusang natatanga para maghabol sa'yo.
Nabigo man ang pagmamahal ko sa isang katulad mo.
Alam kong may kapalit ka rin dito sa puso ko.

Nararamdaman kong masaya ka na ngayon sa iba.
Sana lang huwag mong iparamdam sa kanya ang sakit na sa akin mo ipinadama.
Gayunpaman, patuloy na mananatili sa aking puso't isipan ang ating mga alaala.
Mga alaala na nabuo noong tayo'y masayang magkasama.

Kay sakit isipin na iba na ang 'yong kapiling.
Iba na ang 'yong hahagkan at iyong yayapusin.
Mahirap sa damdamin pero kailangang tanggapin.
Kailangang tanggapin na hindi na ako ang 'yong iibigin.

Quin Leigh's MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon