Nagmahal, Nasaktan, Mag Move on!

0 0 0
                                    

Labis kang nasaktan noong umalis siya.
Inalo ka ba nang makita niyang umiiyak ka?
Huwag mong hayaang umagos at masayang ang 'yong mga luha.
Nang dahil lang sa taong walang kwenta at hindi ka binigyan ng halaga.

Bakit mo pa hahabulin ang taong ikaw mismo ang sinayang?
Bakit ka pa makipagsiksikan kung ikaw lang din ang masasaktan?
Sadyang masakit ang magmahal at biglang maiwanan.
Pero may mas masakit pa ba sa magtanga-tangahan?

Talagang madali nga namang ipaglaban ang isang pagmamahalan.
Pero paano kung ang taong mahal mo ang siyang mismo mong kalaban?
Nagmahal ng sukdulan, sa huli'y pinabayaan.
Hindi siya kawalan, hindi ikaw ang nagkulang.

Hindi dapat paikutin ang mundo sa taong nanakit ng damdamin.
Mas maraming importanteng bagay ang dapat unahin.
Sarili ay sanayin, karunungan ay linangin.
Mag-aral nang mabuti, pangarap ay abutin.

Quin Leigh's MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon