Prologo

48 1 0
                                    

Prologo

            Kinakabahan niyang tiningnan ang pregnancy test kit sa kanyang kamay. May hinala na siya dahil delayed ang kanyang menstruation. Nasa loob s’ya ng isang restroom sa isang mall na madalas niyang pasyalan. Pagkatapos niyang magpabili ng PT sa kanyang best friend ay agad niya itong ginamit.

            Alam niyang hindi pa regular ang kanyang menstruation dahil napakabata pa niya. She’s only 16 for God’s sake. Pero may masama siyang pakiramdam dahil may nangyari na sa kanila ng first love at boyfriend niyang si Chad Priston.  It was last month on her birthday.  Pero hindi na yun naulit pa dahil ayaw ni Chad. Even though he took her first time, sabi niya, sa kasal na daw nila ang susunod.

            Her family is one of the top leading companies in the Philippines. Her grandfather, Terry Yu, is a famous business tycoon not just in the Philippines but also in China and some other countries. At dahil nga mayaman ang pamilya Yu at nag-iisang apo si Elisha Gem Yu ay nagpaparty ang kanyang lolo na nabalita pa sa TV at diyaryo.

            Ang kanyang mga magulang ay pumanaw sa plane crash nang umatend ito ng business trip papunta sa Taiwan noong maliit pa siya. At dahil widowed na din ang kanyang pinakamamahal na lolo at nag-iisang anak ang kanyang late daddy, ito na ang tumayong ama’t ina niya.

            It was a grand birthday party. Mostly mga business tycoons din ang umatend pero wala yun sa kanya. As long as masaya ang kanyang pinakamamahal na lolo ay walang problema.

            Isang pure Chinese ang kanyang lolo pero nakapag-asawa ito ng filipina. Ang kanyang ama na produkto nito ay nakapag-asawa ng isa ding half-chinese-half-Filipina na tulad nito, ang kanyang ina. Well, you could say that she’s also a half. Kahit hindi na niya matandaan ang mga mukha ng kanyang mga magulang ay okey lang. Hindi naman siya pinabayaan ng kanyang lolo at pinalaki siya ng maayos.

            Isa sa mga ugali na gustong-gusto niya sa kanyang lolo ay hindi ito ganoon kahigpit kahit na nga isa itong pure Chinese. Hindi siya ipinagkasundo sa Chinese men kagaya ng laging ginagawa ng mga Chinese families. “You should marry the one you love kagaya ko sa lola mo”, yun ang palaging sinasabi nito sa kanya.

            Inangat niya ang PT at tinignan ito ulit. Dalawang pulang guhit. Ibig sabihin ay buntis siya. Halos 30 minutes na din siyang nakaupo sa toilet bowl. Hindi niya alam kung anung gagawin. At dahil napakabait ng lolo niya, natatakot siyang madisappoint ito sa kanya. Walang sakit sa puso ang lolo niya pero baka bigla itong atakihin kapag nalaman nito ang tungkol dito. Ano na lang ang iisipin ng lolo niya? Na nagpabaya ito sa pagpapalaki sa kanya? That never happened even once. This is all her fault, but she never regretted what she did.

            Gusto niyang umiyak na ewan. Hindi pa siya handang maging mother in her age. Pero kung pananagutan siya ni Chad, ay walang problema. Keri niyang maging batang ina. Sana lang ay hindi siya itakwil ng lolo niya na alam niyang hinding-hindi mangyayari.

            Nilagay niya sa bag ang PT at lumabas ng cubicle. Inayos ang kanyang sarili sa harap ng salamin. Medyo singkit ang kangyang mga mata. Naglagay siya ng konting face powder sa kanyang medyo bilugang mukha at sinuklay ang kayang itim na itim at mahabang buhok. Sakto lamang ang kanyang taas bilang isang pinay at alam niyang tatangkad pa siya. Medyo maputi din ang kanyang makinis na balat. Hindi kataasan ang kanyang ilong pero hindi din naman ito pango. Kumbaga sakto lang. Hindi sa nagmamayabang pero okey na ang kanyang lips kahit walang lipstick. Yun bang kissable lips. So all in all, okey sa alright kahit face powder lang ang ilagay niya. Hindi siya mahilig sa make up at ano pa mang kolorete sa mukha. Simple is beautiful ika nga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Frozen In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon