Para kay Lalaki

7 0 0
                                    

Ito ay para kay lalaki,
para sa isang lalaki,
lalaking palaging may ngisi,
ngising may tinutupok,
tinutupok ang liyab sa loob.

Liyab na may saya,
saya na may dagundong,
dagundong na may kulog,
kulog na may kilig,
kilig na nagbibigay ng ngiti.

Walang sagot sa mga tanong,
tanong na may halong tanong,
tanong sa isipan kung bakit,
bakit sa lahat ng posible ay ikaw,
Ikaw sa lahat nang pwedeng itanaw.

Ito ay para kay lalaki,
sa nag-iisang lalaki,
lalaking nagbibigay ng ngisi,
ngising may tinutupok,
tinutupok ang aking liyab sa loob.

Para kay LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon