Kung Sana

4 0 0
                                    

Kung sana ay maibabalik ko lang ang dati
Noong magkasama pa tayong dalawa palagi
Sana hanggang ngayon ay masaya pa ring nakangiti
Itong malungkot na mga mata at mga labi

Kung sana ay hindi ako nagloko
Hindi naghanap ng iba at nakuntento
Kung sana ay naging tapat lang ako sa'yo
Sana hindi nabalot ng lungkot ang puso ko

Kung sana ay maulit pa ang mga araw
Mga pagkakataon na masaya pa ako at ikaw
Kung sana ay hindi ako nagkamali sa kilos at galaw
Sana sa akin ay hindi ka tuluyang bumitaw

Kung sana ay ako pa rin ang nasa isip
Ang iyong bukambibig at laman ng iyong panaginip
Kung sana ay noon hindi ako madaling mainip
Sana ay ako pa rin ang nakikita kahit sa pag-idlip

Kung sana ay pagbigyan ulit ako ng tadhana
Na muli kitang makasama at makita
Kung sana ay maging tayo ulit na dalawa
Pangako sa'yo na magseseryoso na ako hanggang sa ating pagtanda

Kung sana ay akin ka pa rin
Sana hindi na ako magtitiis sa mga panakaw na tingin
Kung sana ang pag-ibig mo'y muling maangkin
Hindi ko na hahayaan pang masaktan ang iyong damdamin

Quin Leigh's MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon