Patawad

2 0 0
                                    

Patawad kung nagkulang man ako sa'yo
Patawad kung nasaktan ko ang damdamin mo
Patawad kung ika'y aking niloko
Patawad sapagkat hindi ako nakuntento

Patawad kung binitawan man kita
Patawad kung hindi ka naging masaya
Patawad kung naghanap man ako ng iba
Patawad pero ako'y talagang nagsisisi na

Alam kong hindi pa huli para magbago
Ngunit huli na para mahalin mo ulit ang katulad ko
Pero sana naman ako'y mapatawad mo
Patawad dahil ikaw pa rin ang hanap ng puso

Hindi na nga siguro maibabalik ang tayong dalawa
Tayong dalawa na noo'y palaging magkasama
Siguro nga ay hindi tayo para sa isa't isa
Pero patawad dahil mahal pa rin kita

Quin Leigh's MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon