Pusong Nagsusumamo

6 0 0
                                    

Nakakamis yunng mga araw na magkasama pa tayo
Mga pagkakataon na parang tayo lang ang tao sa mundo
Ang sarap balikan yung mga panahong mayroon pang ikaw at ako
Nakakalungkot lang dahil lahat ng iyon ay biglang naglaho

Naaalala mo pa ba kaya ako?
Kahit kailan hindi ko makakalimutan ang tulad mo
Nariyan pa ba ang bakas ng ating kahapon sa 'yong puso?
Kahit 'yon lang sana naman ay alalahanin mo

May mahal ka na bang iba?
Sana naman ay wala pa
May pag-asa pa ba ang tayong dalawa?
Kay sakit naman kung tuluyan nang nawala

Alam mo mahal pa rin kita
Gusto na ulit kitang mayakap at makasama
Maaari ko pa bang sa'yo yun magawa?
Pakiusap sana naman ay pumayag ka

Quin Leigh's MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon