Tayo

3 0 0
                                    

Tayo, paano nga ba nabuo ang salitang ito?
Paano nga ba naging isa ang ikaw at ako?

Naaalala mo pa ba ang una nating pagtatagpo?
Malungkot ako noon tapos nilapitan mo ako
Umupo ka sa tabi ko at inalayan ako ng panyo
Doon ko lang namalayan na luha ko pala ay tuluyan nang tumulo

Hindi ko alam noon kung bakit emosyon ko'y tuluyang umagos
Ngunit gumaan ang pakiramdam ko nang bigla mo akong niyapos
Niyakap mo ako at balikat ko'y masuyo mong hinaplos
Sabay sabi ng "Tumahan ka na. Lahat naman ng bagay ay maaayos."

Lumipas ang mga araw, buwan at taon naging magkaibigan tayo
Hindi ka nakatiis nagtapat ka ng pagsinta mo
Binuhat mo pa ako noon nang sinagot kita ng "OO."
Oo, doon na nga nagsimulang magkaroon ng ikaw at ako

Pero bakit bigla ka yatang nagbago mahal?
Ako ba'y nasobrahan sa paghihigpit at ika'y nasakal?
Ano nga ba ang dahilan ng iyong pagbabago?
May iba ka na bang mahal kaya gusto mo ng sumuko?

Matanong nga kita, may tayo pa ba?
Kasi mahal sobrang nakakalito na
Masakit kung ang ikaw ay mawala
At ako na lang ang matitira

Quin Leigh's MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon