9

22 3 4
                                    

Calvin's Point of View

Six years ago.

June 4, 2012 7:02 pm

Nandito ako ngayon sa pinakamalapit na mall mula sa bahay ko. 30 minutes away, yeah, ito na ang pinakamalapit. Dito dapat kami magmimeet ni Greg but he can't make it. May emergency daw bigla, tsh. Nakapangako na siyang ililibre niya ako ng kahit anong gusto ko dahil hindi niya nagawa yung dare ko sa kanya na umamin don sa babaeng gustong-gusto niya dati pa, bakla talaga.

Dahil tinatamad pa akong umuwi ay lumabas ako ng mall. I searched for a place to go because malling isn't really my thing.

Sa paglalakad-lakad ko ay nakakita ako ng isang mapayapang lugar sa parteng likod ng mall. Medyo ma-puno at saktong lugar para sa mga gustong manahimik.

Umupo ako sa bench doon at agad na pumikit para damhin ang hangin. Wala na masyadong ilaw sa parteng ito kaya naman walang makakapansin sa'kin dito, tsh. Sa 19 years of existence ko, kalahati nito ay puro pagtakas sa mga babaeng naghahabol ang ginagawa ko. Ayoko nang center of attraction ako dahil hindi ko naman ikasasaya yon.

Akala ko magiging peaceful na ang gabi ko pero bigla akong may narinig na mahinang hagulhol na nagmumula sa katabi ko.

Nilingon ko ang pinanggagalingan ng hagulhol at nakitang may nakaupo pa pala sa tabi ko. Isang babaeng hanggang baywang ang buhok. Kahit madilim, I can see that she has a pale white skin. Mukhang siyang naglayas mula sa bahay nila dahil naka-pajama pa siya at bunny slippers.

"Uh miss? Are you okay?"  tanong ko dahil..teka, bakit nga ba?

"Do I look like I'm okay?" she said between sobs.

Napatawa ako ng bahagya dahil mukhang sobrang problemado nga niya sa buhay.

"Anong nakakatawa?" finally lumingon na siya.

I was taken aback dahil mukha siyang anghel sa sobrang amo ng mukha niya. Hindi ko alam kung overreacting lang ako pero hindi agad ako nakapagsalita nung nakita ko kung gaano siya kaganda.

"W-wala, wala. Ang ganda kasi ng tsinelas mo." oh dang, bakit 'yun pa 'yung pinuna ko sa kanya.

Napatingin siya sa kabuuan niya at ngayon lang siguro niya narealize na naka-pj's pa siya. Namula siya at napaiwas ng tingin sa'kin.

"Peace?" 'yan na lang ang tangi kong nasabi dahil nakita kong napahiya siya. Wrong move Calvin, tsh.

Ilang minuto kaming naging tahimik at nasa ganoong posisyon lang nang bigla siyang magsalita.

"It's my 18th birthday today." ha?

"Don't get me wrong. Naisip ko na siguro it's better to share what I feel to a stranger. And...Are you willing to listen?" she explained.

"Sure, go on." mukhang pabor pa nga sa'kin e.

"Mukha ka namang mapapagkatiwalaang tao so here it goes...I turned 18 today. Napagplanuhan kong magpa-slumber party sa bahay namin but you know, I always need to ask for my father's permission. And yeah, nagpaalam ako sa kanya. Instead of giving what I want, nag-hysterical siya. Sabi niya, malapit na daw magsimula ang school year, freshman na ko sa college so mas i-prioritize ko daw ang pag-aaral kaysa sa walang kwentang party para lang sa birthday ko. That hit me, birthday ko "lang" naman daw. Heck, it's my 18th. Umalis na agad ang parents ko for their business meeting after making me feel so bad. What a great parents, right? Naka-ready na nga ako tapos naudlot pa yung plano." napatawa siya ng bahagya pero bakas pa rin yung lungkot sa pananalita niya.

"Kaya eto, naisipan kong magpalamig muna. Hindi ko namalayang suot ko pa pala 'tong outfit na dapat suot ko sa slumber party. I was so upset. I never had the chance to decide on my own." I really felt sad for her though I don't know her personally.

"Happy Birthday. Be happy." I genuinely smiled at her.

"Thank you." she smiled pero may tumulong luha sa mata niya. "Sorry, I'm just overwhelmed right now. Thank you talaga."

Wala na namang umimik sa aming dalwa. Parehas kaming nagulat sa biglang pagbuhos ng ulan. Walang bubong dito sa inuupuan naming bench kaya naman tumakbo kami papunta sa waiting shed na nasa may tapat pa ng mall.

Patawid na sana ako pero nakita kong nahuhuli siya kaya naman hinawakan ko siya sa kamay dahil ang bagal niya tumakbo, baka mabangga pa siya.

Sa wakas ay nakasilong na kami sa may waiting shed. May ilaw na dito at saka ko lang narealize na onesie pala yung suot niya, akala ko regular na pajamas lang kanina dahil nga madilim doon.

"Ang daya mo. May hood yung suot mo e." napangiti ako dahil mukha siyang bata sa suot niya.

Ngumiti na lang din siya at tumitig sa kalangitan na parang dumadamay sa nararamdaman niya ngayon.

"Malungkot ka na naman." bulong niya pero sakto lang para marinig ko. Hindi ko alam kung yung umuulang kalangitan ba ang kausap niya o 'yung sarili niya.

"Minsan kailangan din ilabas ng kalangitan ang mabigat niyang dinadala kapag hindi na niya kaya. Karamihan man ay ayaw nang umuulan, meron pa ring kakaunting taong  nasisiyahan ito pagmasdan." hindi ko rin alam kung sa kalangitan ko din ba sinasabi 'to o sa kanya.

Napatungo siya sa sinabi ko. Hindi ko sigurado kung umiiyak na naman ba siya pero sana nga mabawasan na yung kinikimkim niya katulad ng pagbuhos ng ulan.


*****


Tumila na ang ulan. Nagbabalak na sana akong ihatid siya pero biglang dumating si Greg.


"Oh? Akala ko nagkaron ka ng emergency?" tanong ko sa kanya pero bigla niya akong hinigit palayo don sa waiting shed. Tiningnan ko pabalik yung babae habang nadadala ako ng higit ni Greg. Nagtataka siyang nakatingin sa'min.


"Teka nga bro, bakit ba?" hindi ko alam kung bakit bigla siyang susulpot tapos hihilahin ako, tsh.


"Magkakilala kayo?" ito kaagad ang tinanong niya.


"Ha? Nino? Yung babae ba? Hindi." sagot ko sa kanya at naisip kong magsabi din sa kanya.













































"Pero bro, I think I like her."/"Bro, si Sydney 'yon." dang it.






























"Si Sydney na dati mo pa gustong-gusto?"








Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon