ANB

2.8K 37 32
                                    

[A/N] Gawa-gawa ko lang po ito kaya pagpasensyahan.

_____________

"Ibili mo ako ng mga alahas!" masungit na sambit ni Reyna Tuin habang nakasandal sa balkonahe ng kanilang kaharian at pinagmamasdan ang kanilang mga nasasakupan.


Nagtaka ang Hari. "Huh? Ngunit mahal ko, napakarami na ng mga alahas mo."


Sumimangot ang Reyna "Akala ko ba'y mahal mo 'ko? Kung mahal mo ako ay dapat bilhan mo ako ng mga alahas. Ubod ng raming alahas!" saad nito.


Agad namang tumango si Haring Solomon.


Mahal na mahal nito ang kanyang reyna, kung kaya't ibinibigay niya agad ang hinihiling nito ng walang pag aalinlangan. Kahit na madalas ay sumusobra na ito.

_____________


"Asawa ko, eto na ang mga pinapabili mong mga alahas" ani Haring Solomon at iniabot ang mga mamahaling alahas.


Agad namang sinuri ng reyna ang mga ito.


"AMPAPANGIT NAMAN NITO!!! Masyadong pangkaraniwan! Akala ko ba'y mahal mo 'ko?!" bulyaw ni Reyna Tuin. Sa inis ay marahas na inihagis nito ang lahat ng mga mamahaling alahas sa kalangitan.


Nalungkot ang hari sa sinabi ng reyna. Nagpakahirap pa siya para lamang mahanap ang mga alahas. Hindi niya iniutos iyon sa kanyang mga alipin sapagkat gusto niyang siya ang bumili ng mga ito para sa kanyang sinisinta.

Nagulat ang reyna. May kidlat na gumuhit sa madilim na kalangitan na sinundan ng napakalakas na kulog. Ngunit hindi dahil doon. Kundi dahil ang kanyang asawa...

Natamaan ng kidlat!

Wala nang buhay na nakaratay sa sahig.

Sa gulat ay hindi siya nakagalaw. Hindi alam kung ano ang gagawin, iiyak? Sisigaw? Lalapitan ang kabiyak? Humingi ng milagro?

Biglang lumiwanag ang madilim na paligid. Tumingala siya sa pinanggalingan ng liwanag.

Natulala si Reyna Tuin.

Ang mga alahas na kanina'y ihinagis, kumikislap sa kalangitan at tila ipinagyayabang sa buong mundo ang angkin nitong ganda.

Nagandahan siya rito, sinubukan niya itong abutin ngunit hindi niya magawa marahil dahil sa lakas ng pag-itsa niya kanina.

Nakaramdam siya ng pagsisisi, ang mga alahas...

Ang minamahal niyang asawa-oo, mahal niya ang kabiyak, mahal na mahal. Nabulag lamang siya sa kayamanan at karangyaan.

Noong mga panahong iyon ay napaluhod na ang reyna at naglupasay ng iyak. Wala siyang ibang sinisisi kundi ang sarili. Oo, kasalanan niya lahat.

Ang mga alahas na nagkalat sa kalangitan ay tinawag ng mga tao na "Tuin" na nagmula sa pangalan ng reyna at kalaunay naging "Bituin".

_____________

Aral: Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay kung wala na ito sa iyo.

ALAMAT NG BITUINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon