Chapter 14
His Burden
Nykholas Kent's POV
Nagising ako sa katok na narinig ko mula sa pintuan. Agad akong bumangon para buksan kung sino ito.
Banaman yan, panira ng tulog.
"Bangon na para maihatid mo si Kennedy sa school, after nun may pupuntahan tayo."
"Opo, Mom." Nginitian niya ako bago umalis tsaka ko sinarado yung pinto.
Of course, sino ba naman ang makakalimot sa araw na ito? Our family won't. Ever since that happened, this is his second anniversary. Mamaya bibisitahin namin siya at nandito nanaman ako, magsisisi sa lahat ng nangyari.
Naligo ako at nagbihis, pagharap ko sa salamin hindi na yung poging Nykholas ang nakikita ko, hindi na yung kayang kausapin ang sarili hanggang sa maging okay ang lahat at makakalimutan yung lungkot. Ang hindi masayang side ko. Every once a year nangyayari ito sa akin, and this is that 'once a year' na tinutukoy ko, yung Nykholas na nagsisisi, yung Nykholas na ilang araw ang nilagpasan buhat-buhat ang kasalanang sabi nila hindi ko daw ginawa pero mukhang ako ang naging simula.
*phone rings*
"HELLO KENTOT! GOOD MORNING!"
Napa-ngiti na lang ako nung narinig ko yung boses niya. Kahit kailan, never talaga ako finail ng babaeng mahal ko. Ang swerte ko sa kanya.
"Haha Good morning din."
"Sooo, nauna na ako pumunta sa school ahh. Wag ka ng magbalak ihatid ako later plus para makapag-usap kayo ng kapatid mo, yun lang. Anyways, what's up?" Sabi niya.
Lagi naman niyang gawain mauna pumunta sa school ehh kaya hindi ko siya nahahatid pero nasusundo naman, minsan nga lang din kasi maaga din siya umuuwi.
"Dad's-"
"I know. Bukod doon." Sabi niya habang halatang iniiba yung topic.
"Uhm…nothing."
Narinig ko pa yung pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. "Nykho, itigil mo na yan. Alam mo naman na tuwing ganitong araw ng taon tinatry kong icheer up ka diba? Gusto ko na sana kahit papaano mabawasan yang lungkot mo, pero sana, tulungan mo din yang sarili mo. I know that it's hard, I'm sorry, sa totoo nga, ako yung dapat magsisi dito ehh dahil ako ang tunay na may kasalanan-"
"No, my princess."
"Okay fine. Pero please put in your mind that it's not your fault, you're not the one who pulled the trigger." Sabi niya ng malungkot na tono. "And nobody knows who."
"Well, I know who." Sabi ko sa kanya habang nakaramdam ng galit.
"Huh? Hay nako, lalake. Chill. Ihatid mo na yung bestfriend ko dito at baka malate pa siya." Utos niya sa akin.
"Okay po, mam. See you later. Lab kita." Sabi ko habang naka-ngiti.
"Okay bye. Lab din kita." At siya na ang nag-end ng call. Nakaramdam pa ako ng pag-init ng pisngi.
Nababakla na yata ako.
Pagkababa ko ng hagdan napansin kong tahimik ang paligid at hindi na bago sa akin ito. Tinabihan ko yung kapatid ko at tinignan siya. Tahimik lang siyang kumakain. Kumuha ako ng tinapay at sinubo. Tumayo kaagad si Nymph, nilagay ang mga hugasan sa lababo, kinuha yung bag at lumabas ng bahay. Nagkatinginan naman kami ni Mom na kumakain din.
BINABASA MO ANG
Guns 'N Roses (A Short Story)
Novela JuvenilAng cycle ng buhay ko ay umiikot lamang sa studies, bestfriends, family tapos studies ulit, pero medyo bumaliko iyon nung dumating sa mundo ko ang isang masungit na guy. Will Mr. Sungit be my Prince Charming at the end while holding a rose? Or worst...