Rigorr
Pasulyap-sulyap si Rigorr sa rearview habang mabilis ang takbo ng sasakyan. Hindi iyon ang unang punta niya sa Victoria pero inaral na niya ang pasikot-sikot sa lugar sa pamamagitan ng mapa at actual na pag-iikot. Lagi niyang ginagawa iyon kapag kasama sa assignment ang maging driver. At sa kasalukuyang sitwasyon ng mag-amang Willard at Wendy, hindi makakatulong ang isang driver na walang sense of direction.
Mula sa ospital na nasa City proper ay dalawang barangay ang dadaanan nila bago ang bahay ng mag-ama na nasa Vivar, ang ikatlong baranggay ng Victoria. May dalawang way na pagpipilian—long way, na malinis na highway ang dadaaanan nila pero aabot ng forty-five minutes, o ang shortcut, ang mas malapit na daan na less than thirty minutes lang ang biyahe pero pawang talahiban at kakahuyan ang nasa gilid ng kalsada—papuntang Vivar. Pinili niyang dumaan sa huli, na pinagsisihan ni Rigorr at isinumpa sa sariling hinding-hindi na uuliting daanan nang mapansin niya ang itim na van na nakasunod sa kanila.
Humigpit ang hawak niya sa manibela. Inihanda ang sarili sa posibleng mangyari. Pasado alas otso na nang gabing iyon. Malalayo ang distansiya ng mga bahay na dinadaanan nila. Inabot niya ng isang kamay ang bag na nasa passenger seat, bukas na iyon, kukunin na lang niya ang issued firearm na dala niya. Bukod sa baril ay may naroon rin ang isang set ng patalim, ibinibigay iyon ni Martin, ang kaibigan ng big boss nilang si Rance bilang regalo sa bawat RRS Men na nagtagumpay makalusot sa animo ay buwis-buhay na training.
Kinapa niya sa bulsa ang cell phone. Nag-speed dial siya—number two. Segundo lang ay tinanggap nang partner na hindi niya alam kung nasaang panig ng Victoria nang sandaling iyon. Mabilis niyang sinabi ang sitwasyon at location nila. Sunod niyang ibinigay ang description ng van.
Pagtingin ni Rigorr sa rearview ay nakita niyang kumilos si Wendy at tumingin sa likuran nila. Narinig nito ang pakikipag-usap niya sa cell phone? Ibig sabihin, nasa mga tainga lang ng babae ang earphones pero wala talaga itong anumang pinapakinggan. Kung tama ang hula niya, nagpapanggap lang ang witch na tulog pero ang totoo ay pinakikiramdaman lang siya.
"Sino'ng tinawagan mo?" lumingon uli ito sa likuran, pagkatapos ay umayos ng upo at kumapit sa handle ng pinto sa tabi nito. "Dagdagan mo ang speed natin!"
Hindi siya nag-react, nakatutok ang atensiyon sa pagmamaneho at sa pagmamasid sa galaw ng sasakyan sa likuran nila. Tinangka nang makalapit ng van kanina pero hindi niya binigyan ng chance. Sapat pa ang distansiya nila.
"Sa kaliwa ka," kaswal niyang utos kay Wendy. "Dalawang bagay lang ang kailangan ng mga 'yan: Ang kunin ka o patayin ka," kaswal niyang sabi. "Iuuwi kita nang ligtas kaya kumapit ka." kaswal pa rin na sabi ni Rigorr, dinagdagan niya ang speed nila.
Nang mga sumunod na sandali ay animo nasa karera na sila. Sa pasikot-sikot sa lugar ay wala siyang laban sa sinumang mga nasa van, pero sa galing sa manibela ay nasisiguro niyang nakakalamang siya. Hindi niya bibigyan ng pagkakataon ang van na madikitan sila.
Lumiko sila sa huling kalye na magdadala sa kanila sa highway.
Nang sumunod niyang paglingon ay wala na ang van. Sinulyapan niya si Wendy sa rearview, nahuli ng mga mata niya ang relieve nitong paghinga.
Nag-ring ang cell phone ni Rigorr. Tinanggap niya agad ang tawag. "Dreigh."
Kaagad na nagtanong ang partner niya ng sitwasyon at location nila. Sinabi niyang wala na ang buntot nila.
"Handa na sana akong makipaglaro, man," anang partner niya, tumatawa ito. "How's the witch?"
"She's alive with fangs on," sagot ni Rigorr at pinigilang mapangisi. Pagsulyap siya sa rearview ay naniningkit ang mga mata ni Wendy, para bang nahulaan nito ang pinag-uusapan nila. Ibinalik niya ang blangkong ekspresyon.
Tumatawa pa rin si Dreigh hanggang nawala na ito sa kabilang linya. Ilang minuto pa ay nasa private property na sila na kinaroroonan ng bahay ng mag-amang Veltrano.
Wendy
MATAPANG si Wendy pero nang sandaling iyon ay hindi niya mapasunod ng isip at katawan. Nanghihina siya. Hindi na nagbalik ang dating lakas mula nang malaman niya ang sinapit ng ama. Hindi na rin siya kumain ng tama pagkarinig sa bad news. Halos tubig at crackers lang ang laman ng tiyan niya. Lalo siyang nanghina pagkatapos mag-throw up kanina.
Salamat na lang at hindi niya kailangang lumaban para sa sarili nang gabing iyon, kung nagkataon ay tapang lang ang mayroon siya, wala na halos natitirang lakas sa kanya. Hindi pa naman niya gustong ipaubaya ang buhay sa beast bodyguard niyang walang modo.
Bumaba na si Wendy sa kotse. Nahilo siya kaya sa halip na humakbang ay napasandal siya sa tagiliran ng sasakyan. Nakita niya ang paglapit ng Beast Bodyguard niya kaya pinilit ng dalagang humakbang.Pero hindi talaga sapat ang lakas niya. Gumiwang ang tayo niya—naramdaman ni Wendy ang pag-alalay ng beast mula sa likuran niya.
"Don't touch me!" piglas niya, gusto niyang sabunutan ang sarili na sa sitwasyong iyon pa niya nakasama ito—na hinang-hina siya pisikal at emosyonal. Sa ginawa niyang paggamit ng lakas ay lalo lang siyang napahilig rito. Hindi na sapat ang lakas ni Wendy para tumayong mag-isa.
She hated herself for being weak that night.
Naramdaman niya ang mapuwersang hawak ni Shanely sa kanyang baywang, ipinihit siya nito paharap. Hinuli ng beast ang tingin niya. Sing-lamig ng anyo nito ang tingin sa kanya. "Kung gusto mo ng giyera, Wendy, magpalakas ka muna. Hindi 'yong ganitong aasa ka sa lakas ng kaaway mo."
Sa pagkagulat ni Wendy ay basta na lang siya pinangko nito. Hindi niya malaman kung saang bahagi ng hubad na katawan nito siya kakapit. Naudlot ang pagtili niya at paghampas rito nang bumaba ang malamig na tingin ni Shaneley sa kanya. "Subukan mo," malamig na sabi nito. "Bibitawan kita. Mababasag ang bungo mo sa semento, mahal na bruha." Sa lamig ng anyo at tono nito at base sa impresyon niya rito sa una pa lang nilang pagkikita ay gagawin nito ang sinasabi.
Sino ba naman ang hindi matatakot sa hitsura nito?
Dinaanan nila ang Yaya niya at dalawang maids—tulala halos ang mga ito nang makita sila. Si Yaya Luming lang ang binati ni Shanely ng kaswal na: "Magandang gabi ho. Ako si Shanely, bagong bodyguard ng babaeng ito na sing-tigas ng aspalto ang ulo. Pasensiya na kung hubad ako. Ihahatid ko lang ho siya sa kuwarto."
Parang mga robot ang dalawang maids nila, itinuro ang silid niya sa second floor. Pagkapasok nila sa silid ay hinagis na lang siya nito basta sa kama, balewalang tumalikod at lumabas.
Binato ni Wendy ang nakasarang pinto ng lahat ng bagay na nahawakan niya.
"I hate you, beast!" tili niya.
Bumukas uli ang pinto. "Ipunin mo lahat 'yan," sabi ni Shanely. "Babalikan kita mamaya. Sasamahan kitang matulog para bangungutin ka sa hitsura ko—"
"No!" buong pagtutol niya.
"Yes," agap nito. "Hintayin mo ako."
Natilihan si Wendy. Pamilyar ang gumapang na takot sa buong pagkatao niya. Nakaalis na ang beast ay hindi pa rin niya nagawang tuminag...