chapter one

14 1 0
                                    

" a-ayoko na!"

" please stop!"

"NO PLEASE!"

Mga kandila
Mga puntod
Mga patay na bulaklak
Sementeryo

Hindi ko alam kung ano ang gagawin  ko, nanginginig ang buong katawan ko. Gusto kong tumakas, hindi ko alam kung paano. Kung panaginip o bangungot sana magising na ako. Wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak, anghina ko, ang tanga ko. Iyak lang ang kaya kong gawin. Hindi ko naipaglaban ang sarili ko.

Mga alaalang naiisip ko tuwing may kandila, patay na bulaklak, at ang aking pinakaayaw ko na lugar ang sementeryo.

November 1, 2016, araw ng mga patay. Ang araw na kung saan bumibisita ang mga tao sa mg mahal nila sa buhay, inaalayan ng mga kandila at bulaklak. In short, ang araw na kinasusukluman ko. Ang araw na nagising ako sa kamunduhan ng mga taong walang magawa sa buhay.

Umaga, ano nga ba meron sa umaga? Umaga, kung kailan masarap magkape, masarap kumain ng pandesal, at masarap kumain ng bagong luto na sinangag. Umaga, bagong buhay, bagong hininga, bagong kalokohan, bagong episode ng buhay. Umaga, kung kailan tumitilaok ang tandang manok para gisingin ang mga tulog. Umaga, para sa akin? Umaga, umaga, umaga, ang kinaaayawan kong parte ng isang araw.

Sementeryo, doon bumibisita yung mga namatayan. Madami kang makikitang lusaw na kandila. Madami kang makikitang patay na bulaklak. Malungkot na lugar. Perfect place na pwedeng pag-emote'n. Madaming puntod na nakahilera. Sementeryo, kung saan naganap ang mga bagay na hindi ko pa dapat maranasan.

Bulaklak, there is more variety of flowers, may pangit at may maganda. Mabango, mabaho, at minsan walang amoy. Madaming klase ng bulaklak, rosas, santan, orchid, gumamela at marami pang iba. Bulaklak, isang bagay pero makahulugan sa akin. Bulaklak, bagay na nagpapaalala sa akin kung gaano ako katanga.

Kandila, ano nga ba ito? Ginagamit kapag madilim? Ginagamit kapag brownout? Siguro? Kandila, isa rin ito sa mga nagpapaala sa akin kung gaano ako kahina.

Alaalang matagal nang nangyari pero fresh na fresh. Bago ipipikit ang mata, bago lalabas sa bahay, bago ako maliligo, naaalala ko ang mga pangyayari na hanggang ngayon hindi parin maprocess ng utak ko. Ang hirap tanggapin.

Isang taon na nilihim ko, isang taon na sinarili ko ang problemang dinadala ko. Pangiti-ngiti na lang sa kapwa kahit sa loob umiiyak na. Every pagkurap naaalala ang mga karanasan na hindi ko pa dapat mararanasan.

November 1, 2016. Araw ng kamatayan ng aking pagkatao.

" amuyin mo oh Thea, astig ang bango" naputol naman ang pagiisip ko ng nagsalita yung kaibigan ko habang inaamoy ang kandila na ipinaaamoy nya sa akin. Iniwas ko naman ang ulo ko sa kandilang itinatapat niya sa ilong ko.

" Jensen, Cr lang muna ako hintayin mo ako dito" sabi ko sa kanya para makaiwas sa kanya.

"Okay, bilisan mo ah" pagpayag naman niya sa akin.

Sinimulan ko ng lumakad papunta sa CR dito sa mall. Binilisan kong lumakad dahil hindi ko na kaya. Nakakahiya pagnakita niya akong umiiyak.

Pumunta ako sa isang cubicle pagdating ko sa CR. Kung kailan unti unti ng nawawala ang mga memoryang hindi matnggal tanggal sa isip ko, naalala ko nanaman. Naalala ko kung paano ako pinagtripan. Kinamumunhian ko yung sarili ko.






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stupid LifeWhere stories live. Discover now