Hana's POV
Nasan na kami?! Di ko na alam tong lugar na to. Ang layo na rin ng natakbo namin. Si Hajime naman kasi eh. Shunga shunga! Sa labas pa nanakbo. Di na pang sumunod sakin Nakakainis!"Oy nasan na tayo?"
"Ewan ko. Bobo ako pag dating sa mga lugar kaya nakita mo, nasa kwarto lang ako."
Oh. I see. Kaya pala ang puti niya rin. Maputi pa siya sakin e.
"Bago lang ba kayo non dito?"
"Hindi."
Hindi? E bakit hindi nya kabisado mga lugar dito? Alien ba to?
"Eh bakit hindi mo kabisado mga lugar dito?"
"Tamad ako lumabas e."
"Nevermind na nga lang. Basta dapat mahanap natin yung mga kasama pa namin. Para na rin mas madaling lumaban."
"Ilan nga ulit kayo?"
Ulit? Natanong niya na ba ako kanina? Ay nvm, nalimutan ko eh. Medyo ulyanin ako e.
"Apat."
"Ah. Tara, hanapin na natin sila."
Kanina pa nga tayo naghahanap diba? Minsan nakakainis din tong si Haji eh. May pagka slow kasi tong mokong nato. Minsan kailangan mo pang i-demonstrate para lang makuha niya yung pinupunto mo. Nakaka high blood diba? Pero nevermind. Walang oras para ma high blood sa ngayon.
"Kanina pa tayo naghahanap."
"Ay! Oo nga. Sorry."
O diba?
Sakto may nadaanan kaming grocery. Pumasok muna kami dun para kumain.
"Kyaaaa! Twinkie! ~"
Twinkiiiieeeeeee! Nomnomnom! The last time na nakatikim ako neto, 3 months ago na.
"Hahah favorite mo ba yan?"
"Oo naman."
"Ah. Ako rin eh. Soulmate tayo."
Soulmate agad. Agad agad? PBB teens?
"Hahaha kumain ka na lang."
Wala pa kaming kalahating oras dun sa grocery, may namataan na kaming mga zombie sa labas. Ang tindi naman ng sense nila. Di pa nga ako nag e-enjoy sa pagkain e.
"Ang bilis naman nila."
"Kaya nga eh. Alis na tayo dito."
Front door lang ang meron eh. Dun kami dumaan. May baril naman kaming dala kaya binaril muna namin yung mga zombie. Iilan lang naman eh.
"Ayos ka pala bumaril eh."
"Marunong naman ako gumamit eh."
"Oo nga pala. Sorry ulit."
Ang gulo naman nito! Pakshet! Umalis na kami ni Haji para tumuloy sa paghahanap sa kanila. Ilang kilometro na ata nalalakad namin pero wala pa rin kaming mahanap. Nasan na ba kasi si Hajime?
"Hindi ka ba marunong mag drive ng kotse?"
"Marunong."
Ang dami dami naming nadaanan kanina na mga kotse na maayos! Tapos marunong ka pala mag drive! Pinagod mo lang mga sarili natin.
"Araaay! Bakeeeet?"
Headshot, binato ko siya nung lata na nakita ko. Nakakayamot kasi.
"Marunong ka pala mag drive bakit hindi mo sinabi? Pinagod mo lang sarili natin."