"The hardest part of life is to let go."
Ako nga pala si Xandy. Simple lang naman akong tao na hanggang ngayon ay minahal parin si Von kahit na sobra akong nasasaktan. Popoy ng One More chance lang ang peg nuh? "Mahal na mahal kita kahit ang ansakit-sakit na." Hahaha. :(
Temporary nga lang talaga ang ibang pag-ibig. Hanggang "Once upon a time" lang.
Si Von ba? Siya lang naman ang isa sa pinakasikat na lalaki sa batch namin. Sikat kasi ang at nya, nakapatalino. Sya naman, matalino rin pero mas talaga ang ate nya. Maputi, Matangkad, Singkit, Malalim na dimples. Yun ang nagugustuhan sa kanya ng mga babae.
Alam nyo ba? Sa dinami-dami ng nagkakagusto sa kanya. Hamak na nabagot ata ang ulo nya dahil nagustuhan nya ako. Hahaha. Haba ng hair ko nuh?
Ako ba? Whew. Isang hamak na Swimmer lang naman ako ng school namin. Matangkad, hindi ako maputi. Asa! Swimmer nga eh. Mapayat, hindi hot. Maluka ako, isa ak sa pinakamaingay sa classroom, maikli ang buhok na fly-away. haha. Ang swerte ko nga lang talaga at nagkagusto sakin ang isang Von Perea.
Sabi nila, Bat nga ba daw nagkagusto sakin yun. haha. Ang bitter ano? Yan rin ang 'di ko alam.
Halos 9 months rin kami ni Von. Pero natapos yun dahil lilipat sya ng School. Weeew! YUn na ang pinakamasaklap na nangyari sakin. Sobra 'ko ng minahal sya eh.
Lumipas ang 2 months na hindi kami nagkaka-usap. Biglang isang araw, BOOOOM! Ichinat nya ako sa fb! Ganto ang itsura ko eh, " :O O__________O! :D ♥.♥"
Von: Xandra! Kamusta?
Ako: Ayos naman. Ikaw?
Von: Ayos lang rin.
Oh di ba? Ang ikli! Pero ansaya ko na.
After 5 months. HIndi parin ako ako nakakamove-on sa kanya. Sya kaya ang first love ko! Lagi ko syang pinakakamusta sa bestfriend ko na kaschool mate nya. Kaso, may nahahalata ako.
Lagi akong iniinggit ng bestfriend ko sa mga nangyayari sa kanya. At pagkalipas ng 2 weeks, sinabi nya na MU na sila.
Oh! HAHAHA! Ang saklap! <//3 Bestfriend ko mismo ha!
Pagkatapos ng araw na yun, 'di na ule ako ngumiti. Pasmiley-smiley lang sa chat o text. Pero puro FAKE. Madalas akong pinapatawa ng mga kaklase ko, pero 'di nila ako napapasaya. Mahirap maging masaya eh, madaling tumawa. :|
HIndi alam ng Bestfriend ko na si Shaira, na mahal ko parin si Von. Kaya lahat ng kasweetan nila, ikiwnekwento nya sakin. Ang saklap. Pati nga mga convo nila sa text isinesend sakin ni Shaira. Whew. Kung alam lang nya.
Hindi ko magawang sabihin sa kanya. kasi, mahirap eh. masakit. Tuwing nagpapatulong si Shaira sakin tungkol kay Von, lagi ko syang niloloko. Yug para bang, tanggap na tanggap ko na. Hindi eh. MALAKING HINDI.
Tuwing makikita ko ang mga kabarkada dati ni Von, kinikilig ako. haha. Baliw ano? Pano pa kaya kung sya na ang makita ko. Hanggang dumating ang araw na pumunta sya sa school namin. ....... Kasama ang mga kabatch din naman na lumipat ng school.
Tuwang-tuwa ako nun. Kaso, ansakit-sakit talaga.
18 years old na 'ko ngayon at hindi parin nakakamove-on sa taong minahal ko.
Hanggang dumating ang araw na nagka-usap ule kami.
Von: Xandra! Kamusta? May ibibigay nga pala ako sayo.
Ako: Ayos naman. Minamahl parin ang taong minahal ko simula noon. Haha. Loyal ako eh.
Von: Haha. Naks naman. At sino naman yun?
Ako: Pano pag ikaw?
Nagulat sya sa sinabi ko. Kaya,
Ako: Joke! HAHA!
Von: Mauna na 'ko ha? Ingat ka lagi! Susundun ko pa ang pinakamamahal 'kong bestfriend mo eh.
Ako: Sige.
Pagkatapos nun ay dali-dali akong pumuntang CR. Ansaya! Nakita ko na muli sya.Nag-iiyak ako nun. Wooooo! Bat ganun? Ako yung una eh. Ako yung unang nagkagusto sa kanya. Tas ang manhid manhid nya. Yung bestfriend ko naman, bat sya ganun?! Minahal nya yung minamahal ko? Bat ang manhid nya para mapansin na gusto ko parin ang lalaking yun.