SW C-1

5.4K 88 0
                                    

Disclaimer

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Plagiarism is a legal violation of copyright law, plagiarism is using someone else's work or ideas without giving proper credit. Plagiarism is a crime.


*************************

Simula

Napa luha si Jung-so nang makita si Lea na lumalakad papuntang altar. Nilingon niya si Park halata sa mukha nito ang saya na magiging asawa na nito ang babaeng minahal niya. Napailing siya at kinuha ang panyo na nasa bulsa. Pinunas niya ang luha. Hanggang sa reception ay palihim niyang pinupunasan ang luha.
Alam niya naman kasi sa una pa lang na kaibigan lang talaga ang Turing sa kanya ni Lea.
Nag desisyon siyang umalis na. Nagpaalam siya sa bagong kasal halata na nagtataka ang mga ito sa biglaang pagalis niya.

Pinaharurut niya ang sasakyan bahala na kung san siya makapunta basta mapawi lang ang lungkot na nadarama.

Maghahapon na iyun nang huminto siya sa maliit na pamilihan. Nakaramdam siya ng gutom. Mukang walang malapit na restaurant dito. Isip niya.

Tumutunog na ang Tiyan niya.
Nilibot niya ang paningin niya at nahagip ang isang babaeng nakangiti. Takang pinagmasdan niya ito. Para siyang na starstruck sa mukha nito. Hindi niya alam kung bakit.

Hindi niya alam kung bakit. Ibang iba ito sa mga babaeng nakilala niya. Iba din ang dating nito sa kanya.
Nakangiti ito sa mga customer na bumibili ng barbecue. Tindera ito ng barbeque.

"Chi-chi, pabili nga ko ng paa ng manok" sabi ng isang lalake.

" Yes boss" ngiting sabi nito.

Napansin ni Jung-so na may napapalingon sa kanya pero hindi siya nilalapitan. Marahil hindi siya gaanong kilala. Naalala niya na umabot na pala siya sa malayong probinsya. Tinignan niya ang cellphone pawala wala ang signal. Naramdaman niya ulit ang gutom kaya pinuntahan niya na ang babae na nagtitinda ng barbeque.


Umubo muna siya bago nagsalita. "Ms Anu bang masarap kainin dyan?" tanung niya.


Takang pinagmasdan siya nito. Hindi kasi bagay ang suot sa kakainin niya.
Napangiti ito ng bahagya. "Ito pong bituka masarap po yan".

What?? Intestine?, gulat na sabi niya. Never pa niyang narinig at makakain ng ganitong pagkain.
Nagtinginan ang mga katabi niya na kumakain.

Napansin ni Jung-so ang matalim na titig ng mga nasa tabi niya kaya binawi niya ang reaksyon .

"Ahh, mu-mukang ma-masarap." Napilitan siya. "Sige bigyan mo ko niyan"


Tumango ang babae at ngumiti sa kanya. Nakuha na naman nito ang atensyon niya pero binalewala niya agad.

Nang matapos iluto ay kinuha niya agad at sinubo dahil sobrang gutom na siya.

Laking gulat niya na masarap pala ang lasa kaya nagpaluto ulit siya. Tumikim din siya ng iba pa nagustuhan din niya kaya halos binili na niya lahat ng paninda ng babae. Pagkatapos kumain ay napansin niya na magdadapit hapon na pala.


Nililigpit na din ng tindera ang mga lalagyan na nagamit.


"Chi mukang maaga tayo Uuwi", sabi ng matandang babae.

"Oo nga ma, mabuti na lang naubos agad", inay pala ito ng babae.

Pinagmasdan lang niya ang kilos ng babae. Mayamaya ay pumunta ito sa kanya.

"Sir mukang Hindi ka taga rito", tanung nito.

Napakunot noo siya sa sinabi nito. Hindi mo ako kilala. Isip niya.

Ang pagkakaalam niya ay sikat siya sa buong Korea at pinipilahan siya ng maraming babae. Pero mukang ang isang ito ay hindi alam ang tungkol sa kanya.

"Yes, tingin ko malayong probinsya na ito", sagot niya.

Napalingon sila parehas sa isang lumang sasakyan na dumating. Lumabas doon ang matandang lalake at isang lalaking may katangkaran din.

"Chi", tawag nito sa babae. Agad naman itong lumapit.

"Pa naubos lahat ng paninda namin ni mama"

"Mabuti anak," sabi nito at lumingon sa lalaking kasama nito.

" Jim kunin mo na yung mga gamit para makauwi na tayo.

"Opo pa" sabi ng lalake.

Lumingon naman ang papa nito kay Jung-so ."Sino siya chi?"Tanung ulit nito.

"Ahh yan po yung umubos ng paninda naten pa",sabi ng babae. Naririnig ni Jung-so ang paguusap ng dalawa.

Tinungo siya ng matanda. "salamat at binili mo ang paninda namin maaga kame ngayon makakauwi", ngiting sabi nito. Ngumiti lang si Jung-so at tumango. "Malapit na mag gabi may matutuluyan kaba?"tanung naman nito

The PLAYBOY: Series of Loving the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon