Chapter 2

9 0 0
                                    

Hindi ko na naman alam kung anong pwesto ang gagawin ko para magmukhang kalmado sa harapan nya.

"H-h-happy birthday" my word stuttering too muuuuch.

Narinig ko naman sa gilid ko ang simpleng tawa ni Creese.

"Salamat" sabi nya pa "Don't forget mamaya ha. Sinadya ko lang kayo para sabihin yon, after uwian" nakangiti pading sabi nya ang damn! He's very hot looking while doing that.

Masyado ka ng nagkakasala dahil sa pagnanasa mo Rei huuhuhu

"O-ofcourse we will" utal ko pading sabi at tinanguan kami.

"Happy birthday Handsome" ngiting sabi pa ni Creese at nginitian naman sya ni Gino bago umalis.

"Bakit tinawag mong handsome si Gino?" kunot noo ko pang sabi kaya tumawa sya.

"Oh ano naman masama dun?" ngising sabi nya pa sakin kaya dinuro ko sya.

"Wag na wag Creese ha"  banta ko pa sa kanya.

"Nababaliw ka na ba? Possessive ka ke Gino??? HAHHAHHAHAHAH" malakas na tawa pa nya kaya sinaway ko sya.

"Wag ka ngang maingay! Kotang kota na yang bibig mo ha.... Kanina ka pa" inis na sabi ko pa sa kanya.

"Dai, yang sinasabi mo kasi masyadong 'di'makatotohanan lalo na't yang taong binabawal mong sabihan ng 'pogi' e pogi talaga.... Wala kang m-magagawa dun kundi 'tanggapin' na lang.. Naeentendehen me???" biro nya pang sabi pero ang dating sakin ay masakit.

Oo nga naman Rei engot mo talaga!!!

Hindi na kami nag-usap pa ni Creese dahil dumating na ang teacher namin. Kinabukasan ay mawawalan na kami ng pasok dahil simula na ng sembreak!! Ang pinakaiintay naming lahat :#

×B R E A K  T I M E×

"Tara na hoy!" sigaw pa ni Creese mula sa labas.

"Teka lang!! Tatapusin ko lang to" sabi ko pa habang sinusulat ang research paper ko.

Pagkatapos ay lumabas na ako dahil alam ko naman na hindi ugali nuon ang mag-intay.

"Ang gigi mo talaga kahit kelan" sabi na nga ba at di pa tapos to sa kakakuda e.

"Maam..Pasensya na po kasi--may tinapos pa ko ako..." Biro ko pang sabi sa kanya..

"Yung sa research paper ba yan ke serr Chew?" seryosong tanong nya sakin.

Serr Chew??--WATDAPAK

"Sir Chew?" takhang tanong ko pa kaya tinanguan nya ko.

"Sir Chew, Sir nguya..."

"T-talagang kelangan me bansag no???" tatawa tawa ko pang sabi sa kanya.

"Pano naman kasi tayo makakapakinig sa kanya..e kung laging ngumunguya--kala mo me babolgam lage sa bibig."

"Hoy baliw..w-wag ka maingay. Baka me makadinig satin ikaw pa nguyain non hahahaha"

"Siraulo. Dalian na natin,,gutom na talaga ko" sabi nya pa sabay himas sa tiyan nya pa kunwari.

"Teka" pigil ko pa sa kanya. "Samahan mo muna ko ibigay to para deretso na tayo canteen"

"Naku naman talaga Rei Chanel!! K-konsumisyon ka sa buhay..!!" inis pang sabi nya.

"Saglit lang naman tayo e. Lab mo ko diba?" tukso ko pa sa kanya.

"Bakit hindi ka na lang kasi sumabay sakin?"

"E nandito na tayo tsaka ka uungot dyan. Kung gusto mo mauna ka na sa canteen susunod na lang ako" suhestyon ko pa pero humalukipkip lang sya tsaka ngumiwi.

"Hindi na..nandito na tayo e, aatras pa ba naman??"

"Siraulo talaga. Para kang sasabak sa gyera" sabay tawa ko pa.

"Dalian mo!.. Intayin kita dito, baka matawa lang ako sa loob ng faculty kapag sinamahan pa kita sa loob"

"Eto na nga"

"Tic toc...tic! Toc! Tic! Toc!"  ginaya pa nya ang tunog ng alarm clock.

Loka loka talaga...

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad saakin ang lamig ng aircon. Agad ko namang hinanap si serr Jess na kasalukuyang inaayos ang kanyang lesson plan.

"Good morning sir" bati ko pa sa guro.

Pilit kong pinipigilan ang ngisi ko dahil sa sinabi ni Creese saakin kanina. Ayokong mainsulto sng guro sa simpleng tawa ko.

"Hmm morning" nguya nguya pang sabi nya. "Ano yun ms. Mallari?"

"Ah, sir magpapasa po sana ako ng research paper ko."

"That's good. Hindi ko inaakalang mas maaga pa sa inaasahan ko ang pagpapasa mo nitong proyekto nyo" ngiting sabi nya pa kaya nginitian ko na lang din ito pabalik.

"Mauuna na ho ako serr. Salamat po" magalang na sabi ko pa at tinanguan nya ako senyales na pwede na.

"Oh? Nanguya ka na ba?" ngising sabi nya pa kaya pinalo ko sya sa braso.

"Wag ka ngang mapanlait dyan! Kutusan kaya kita"





Unpredictable loveWhere stories live. Discover now