Research Paper [one shot]

1.7K 72 35
                                    

kakabadtrip naman oh! sinauli lang naman ni sir ang research paper namin. 

kasalanan to nung magaling kong partner eh. si Ranz!

siya lang naman ung halos araw-araw eh pnagtitripan ako. naku! pag nakita ko yung lalaking yun, babato ko talaga sa kanya 'tong research paper namin. bakit pa kasi ako pumayag na makapartner yun eh. may sakit yata ako nung araw na pumayag ako.

"oi Jake! nakita mo ba yung bestfriend mo?" galit kong tanong sa kanya.

"whoa. daig pa ng nalukot na papel ang mukha mo ah." 

"wala akong pakialam! asan na ba si Ranz!" asan na ba yung lalaking yun. kanina ko pa siya hinahanap e.

"andun siya sa cafeteria. puntahan mo na lang."

pupunta na sana ko sa cafeteria kaya lang, sakto naman na dumating na si Ranz. buti naman, kakapagod kaya bumababa. 1st floor ang cafeteria tapos 3rd floor ang romm namin.

"hi Maxine!" ngiting ngiting bati sa akin. "oh, kilay mo baka mapunit." tumawa pa ng nakakaloko. pektusan kita dyan e.

"Tse!" binato ko sa kaniya yung research paper namin. nasalo naman niya. "ayusin mo nga yan! dapat kasi ako na lang ang nagprint e!"

"LQ nanaman kayo!" sabi naman ng mga classmate namin.

"h-ha? bakit?" maangmaangan ka pa. hmp! 

"wala akong alam dito. hindi ako ang gumawa nito! siguro 'tong si Jake." sabi niya sa akin.

"oh oh. damay mo pa ako diyan." singit naman ni Jake.

"ewan ko sayo. basta ayusin mo yan! hanggang bukas na lang daw yan." sabay walk out ko naman sa room.

pag kauwi ko sa bahay. kumain lang ako at nag-ayos na. balak ko na sanang matulog kaya lang tumawag si Shaine, bestfriend ko.

"balita ko LQ nanaman daw kayo." -Shaine

"LQ ka dyan. Q lang walang L" -Ako

"sus! bakit ano bang nangyari?" -Shaine

"siraulo kasi nun. ginawa ba naman 'Ramirez' din ang apelyido ko. tinukso pa tuloy ako ni sir. kaasar eh." -Ako

"hihi. kakilig naman yun. Mr. an Ms. Ramirez na pala kayo. pero diba may crush ka din naman kay Ranz?" -Shaine

"t-tigil ka nga Shaine. tsaka w-wala akong gusto dun no." nauutal kong sabi

"ikaw ha. e ba--" -Shaine

"BYE na. tulog na ako." -Ako

sinabi ko kasi kay Shaine dati na crush ko si Ranz. kaya tinutukso tuloy niya ako. hanggang ngayon din naman crush ko pa siya. kakaasar lang kasi araw-araw niya ata akong pinag-titripan.

pinatay ko na ang ilaw at ready na akong matulog. hindi kasi ako sanay ng may ilaw.

-calling... 'Shaine"-

"di nga? diba may gusto ka pa rin sa kanya?" -Shaine

"tigilan mo na nga ako shaine.. tutulog na ako." -Ako

"sag---" -Shaine

"BYE!" -Ako

ang kulit talaga nun. maka tulog na nga. pinikit ko na ang mata at wala ng balak imulat kung tumawag nanaman si Shaine.

-Calling..Calling-

ang kulit naman talaga ni Shaine oh.

"OO na nga Shaine. may gusto na ako sa kanya! ako na ang MAHAL si Ranz. oh masaya ka na?" -Ako

pero ayaw sumagot ni Shaine.. kinabahan tuloy ako.

"hello? Shaine?" -Ako

"si Ranz 'to...

...i love you too, Maxine!"

-THE END-

 "nang dahil sa Research Paper! Bow"

Research Paper [one shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon