Maghapon kaming nag-asikaso ng mga kakailanganin for the teambuilding activities tomorrow, pagdating ng facilitator to the resort, we had a short meeting running over tomorrow's schedule and making sure we have all we need para maging smooth ang program bukas.
After that we proceeded to the function room para i-prepare ang giveaways.
It was pretty quiet sa function room nung nag-re-repack kami ni Cherrie ng mga gift bags para sa mga participants bukas nang dumating si Chuck para tumulong sa amin. Syempre distracted na naman ako dahil naka-yellow shirt lang sya na plain with denim jeans, at ang bango bango pa parang bagong ligo.
Kahit na lima kaming committee members na pumunta para mag-asikaso parang saglit ko lang naramdaman ang presence nung iba, kami lang ni Cherrie, Chuck ang punong abala sa pag-aayos ng mga gagamitin bukas.
Tahimik kaming nagtrabaho sa loob ng venue nang biglang tumayo si Cherrie, "Oh my gosh, wala kayong pakiramdam, gutom na gutom na ako so iiwan ko muna kayo jan ha. Kakain muna ako."
Umikot sya at paalis na nang biglang bumalik, "Wait, may gusto ba kayo para maiorder ko kayo dun sa restaurant?"
Nagtinginan kami ni Chuck at sumagot lang ako ng, "Fresh buko juice lang siguro ako. Hindi naman ako gutom."
Tumango lang rin si Chuck at tumingin kay Cherrie, "Ako rin. If it's okay."
Biglang ngumiti ng bongga si Cherrie, "Ay. Oo naman sir, no problem."
Ay, sya lang talaga ang pinansin? Ako dedma?
I roll my eyes sa retreating back ni Cherrie at paglingon ko kay Chuck nakangiti sya sa akin.
I look at him confused, "Bakit ganyan ka makangiti?"
He grins wider, "You look cute when you get jealous."
I scrunch up my nose, "Hindi ako nag-seselos no, excuse me."
Tumigil sya sa pag-rerepack at tumingin sa akin, "So you mean if tomorrow may ma-partner sa akin na girl and I have to do something close to her like..." he thinks for a second then says, "like carry her or she needs to hold on to me for support or something that you'll be totally fine with it?"
Iniimagine ko pa lang nagngingitngit na ako sa galit.
I bite my lip and through gritted teeth say, "Oo naman."
He shakes his head, "Okay. Sabi mo yan ha."
I have a feeling he's going to make me regret saying that.
***
We have a fairly tame dinner with everyone including Ms. Claire that is until mag-open ang bar at magkaroon ng banda sa stage sa loob ng restaurant.
Naglabasan na ang mga party animals kong kaopisina at naki-jam ng naki-jam sa banda, si Ms. Claire is enjoying everyone's company at masayang nakiki-mingle sa mga committee members. I think she's trying not to notice na hindi sya kinakausap ni Chuck, although he's fine answering questions when asked pero he doesn't offer any more information, parang isang tanong, isang sagot.
We both were having beer, si Ms. Claire is having a cosmopolitan and yung mga ibang committee members including Cherry were busy downing shot after shot of tequila. Good luck sa inyo guys.
It feels nice sharing a table with Ms. Claire and Chuck and not feeling like I needed to run away or I need to act differently. Chill lang kaming lahat and it's exactly what I need after a tiring day.
"Well, I'm going to turn in na, it's going to be a long day tomorrow." Ms. Claire says to Chuck and me then she shouts to the other committee members, "Dahan-dahan lang ha, busy pa kayo bukas."

BINABASA MO ANG
She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅
Romance"Pagdating sa pag-ibig ayaw ko ng sakto lang, ang gusto ko yung pag-ibig na nakakawasak ng pagkatao. Mas gugustuhin ko nang magmahal ng tunay, magmahal ng EXTRA kaysa sa nagmahal ka nga hindi mo naman tinodo 'di ba? Para saan pa?" - Olga Andrea Mart...