Mahilig ka ba sa mga sikreto?
Lalung-lalo na sa mga sikretong malasa at siguradong makakayanig sa mundo ng isang tao, specifically sa mga may kaugnayan sa lihim na ito. Kahit ang mga simpleng sikreto ay may pakinabang din. Ika nga nila, "big things come from small packages" at pinapahiwatig nito na sa mga maliliit at tila di-mahalagang lihim na dito nagsisimula ang pagkakaroon ng mga napakalalim na sikreto.
Siguro nagtataka kayo kung bakit ko kayo tinatanong tungkol sa mga bagay na ito. Isa lang kasi ang masasabi ko diyan...
Mahilig ako sa mga sikreto...
Gaya ng sinabi ko kanina, ang lihim kahit gaano pa ito kalaki o kaliit, may gamit ito at napapakinabangan ko itong mabuti. Hindi ko naman ito ginagamit upang may mai-tsismis ako o di naman kaya'y may maipakalat na haka-haka sa paaralan. Naku! Ibahin niyo ako. Pambata lang ang ganyang uri ng mga gawain! Iba ang paggamit ko sa mga ito...
Para lang naman sa...
Paglalaro!
Ahahaha, ironic hindi ba? Nabanggit ko na hindi ko ginagamit ang mga sikretong nakalap ko sa mga pambatang gawain lamang ngunit di pa ako tapos sa aking sinasabi. Ito lang naman ay paglalarong...
May bahid ng paghihiganti!
Bwahahaha, hindi ako baliw mga kaibigan... gusto ko lang talagang paglaruan ang mga damdamin ng iba't-ibang klase ng taong nakakasalamuha ko bawat araw.
Baka di mo lang alam, nandiyan lang ako sa tabi-tabi, sinusundan ka, binabantayan lahat ng kilos mo, pinapakinggan lahat ng mga salitang lumalabas sa bibig mo at kahit sa bibig ng kausap mo...
But don't worry... di naman kita aanuhin... for now!
Ahahaha joke lang! Wala ka namang kinalaman dito "friend". Gusto ko lang na may makinig sa aking mga plano at sumubaybay sa panggugulo ko sa buhay ng ating apat na "bida"...
Ay teka, ako nga pala ang bida ahahaha! Gagawin ko silang aking mga laruan na magbibigay saya sa aking araw. Ituturing ko sila tulad ng mga manika ko... Mamanipulahin bawat kilos... Iko-control... at kapag di susunod...
Sisirain at itatapon!
Ahahahaha but knowing these girls, alam ko namang sisikapin nila na gawin lahat ng iuutos ko sa kanila dahil hawak ko ang pinakatago-tago nilang bagay...
Ang lihim ng bawat isa sa kanila! Ito ang bagay na pinaka-aasam nilang hindi ko ikalat sa marami para hindi masira ang tinatawag nila na kanilang "masasayang" buhay. Talaga? Tsk, kung alam niyo lang kung gaano kalayo sa pagka-"perpekto" ang kung ano ang nasa kani-kanilang mga tahanan.
Teka, san na nga ba tayo? Ah, tama... Sa buhay ng aking mga pinakamamahal na mga manika...
Sige, magsimula tayo sa... hmmmm... sa pinakamahina!
Si Selene De Vera, conservative na babae. Matalino, di masyadong kagandahan ngunit nakaka-angat ang mukha sa karamihan, isang napakamasunurin na anak. Kapag nabanggit mo ang kanyang pangalan, mas kilala siya bilang isang babaeng ginugugol lahat ng oras sa silid-aklatan, nagbabasa ng libro, gumagawa ng assignment o di naman kaya'y tinatapos ang proyekto niya. Kilala din ng lahat bilang isang kandidato sa pagiging valedictorian. Napapanatili kasi raw nito ang kanyang study habits ng maigi dahil isa siyang "No Boyfriend Since Birth" girl.
Pumunta naman tayo sa pangalawang babaeng dapat niyong ma-meet.
Si Celandine Cantilles. Wala naman masyadong special sa kanya except... anak lang naman siya ng isang producer sa Hollywood! O hindi ba? Bonggang bonggang major major to the highest ang kanyang level! Kilala bilang chicgirl dahil sabi nga nila, "One boy per hour is not enough" ang motto niya. Inaamin ko namang maganda siya. Alam din ng lahat na wala raw siyang mga "insecurities" kaya nga maraming humahanga sa kanya. Pwera nalang siguro ako ahahaha!
BINABASA MO ANG
XOXO♥
Mystery / ThrillerHindi ibig sabihin na pag may lihim ka ay habang buhay na itong pwedeng itago sa iyong sarili. Ganito ang mararanasan ng apat na babaeng hindi magkaibigan dahil sa iba-ibang klase ng mundong kanilang ginagalawan. Si Selene, ang geek. Si Celandine, a...