Carina's POV
Woah malaya na ako sa kasalanan! Ang ganda sa feeling na naencounter mo si God. Nakakaoverwhelm siya at nakakaiyak na ganun pala ang pagmamahal sa atin ng Panginoon. Gusto ko siyang paglingkuran at hinding hindi ko siya susukuan. "Kuya! uwi na kami ha!"
"Ah ading po ako, ate" (A/N: 'Ading' ay ilokano word po ng mas nakababata.)
Charot charot si kuya. Inate na naman ako porket mature ang pagmumukha ko. Pero infairness ang gwapo ni keya! Pero nakakabwisit, papapicture pa sana ako eh uwian na kagigil hahaha lumalantad na naman ang kalandian mo teh. Pati pangalan niya di ko nakuha!
Makalipas ang ilang araw...
"Jarmine, tara sa ulit sa bahay."
"Sige ba."
At kami na nga ay nagpunta sa aming bahay at syempre baboy tayo kaya bumili na muna kami ng fishball sa tindahan. Tinuruan ko din siya kung paano magdevotion at inabot kami ng mga 30 minutes. Pagkatapos, syempre dahil lagi akong mag-isa dito sa bahay, magpapapicture ako sa kanya sa dilaw naming pader na inabot ng siyam siyam. Umuwi na rin naman siya at ako na naiwan, nagtalandi na naman! Marunong ako magresearch at natuntun ko na din si keya gwapo pagkatapos ng tatlong araw! Oh diba san pa kayo, kay Carina Gonzales na! Wala na tayong hiya hiya add friend na yan! Gora na teh. And oh my gash! Inaccept na niya! At dahil alas otso na ng gabi at since ito ung nagpapatulog sa amin noon sa spiritual camp na hindi rin naman natulog! Chichikahin ko to with slight landi.
Me:"Oh tulog na!" At magpaemoji tayo para may pang charot tayo.
Him: "Ay hahaha"
At chikahan kami ng 5 minutes hanggang sa tumigil ang mundo ko.
Him: "Alam mo, gusto kita."
O.O
Aaaaarrrrrrgggghhh!!! Ohemgee, ohemgeee!!! Nagwala ako for 3 minutes kaloka si keya! Pero nagsasabi siya ng totoo mas bata nga siya sakin ng limang buwan hahaha. Pero ohemgee!
Him:"Crush ko nga din yung pinsan mo eh."
Ay fujfakjgjfgskjfjgbdsj neto. Iba din siya, more chances of winning ang peg niya kaloka! Pero let's ignore the fact na kras nia ung pinsan ko pansamantala.
Me: Ah, ganun ba? Bakit, gusto din naman kita ah. Ano ikaw lng? syempre ako din hahaha.
Syempre kahit pamigay tayo pero umechos muna tayo ganern!
Him: Ha? Oh edi tayo na?
Ang bilis ni keya iba din! Pero Lord binibigay nio na po ba siya sakin? Reward ko po ba to dahil tinuruan ko ung kaibigan ko kanina kung paano magdevotion? Lord ah, kakagat na ako!
At ganun nga ang nangyare,naging kami ng walang ligaw ligaw, LDR na natapos na din sa loob ng apat na araw hahaha. Kase nung time na yan, sabi sa simbahan wag daw magmadali at hindi rin naman maganda na tago lng kami. Pati nung kinausap ko ung leader ko ang sabi nya ibreak ko na raw kaya ginawa ko pero ngumawa din ako ng bonggang tatlong gabi. Pero pagkatapos niyan narealize ko na andiyan pa rin si Lord para sakin kaya pinagpatuloy ko ung pagsisilbi ko sa kanya at nagtraining na din ako na maging leader sa church. Na wala akong kaalam alam na simula palang yan ng lahat.
YOU ARE READING
Hell is Earth
RandomAko si Carina Gonzales at welcome kayong lahat sa magulo kong mundo't isip ko. A/N: Ang kwentong ito ay puno ng negativity kaya sa ayaw ng negativity magsilayas na at hindi ako ang mag aadjust para sa inyo hahaha. Love lots.