Trisha's POV
"Trisha!!"
"Ha? Ano yun?"
"Haist. Ang dakila kong BFF, kanina pang tulaley. Kanina pa ako dada ng dada dito, di ka naman nakikinig."
"Naku, sorry, Sissy. May iniisip kasi ako.."
"Ano naman? Oh,wait.. Let me rephrase it. SINO na naman?"
"Hehe."
"Ay, sabi ng sources ko, he's at the library now. Should we go there?"
"Ah, sige! Tara let's!"
Anyways, I'm Trisha Mae Ferrer. And I'm dead crazy over Johnver Bautista X3 At sya ang pupuntahan namin sa library ni Jelian.
Library...
"OM!! Sissy, ang wafu nya talaga >v<", kilig to the bones kong sabi.
"Oo na...Sshhh... Wag ka gaano maingay, baka palabasin tayo ng librarian.", KJ na sabi ni Sissy.
"Ay, sorry. Di ko ma-control ang kilig meter ko, eh XD Ang wafu nya lalo tingnan habang seryosong nagbabasa X3"
"Sissy, ewan ko ba sa'yo at nagustuhan mo yang lalaking yan. Eh, laging tahimik at straight face. No emotions! May pagka- bad boy yun dating. At parang inlababo sa libro."
"Kahit na. Para sa akin, mukha syang mabait. At genius pa!"
"Sinong manliligaw? Ikaw? Haha! Sya yun tipo ng lalaki na hindi ginagawa ang courting at serenade."
"Eh, Sissy, kontra ka ba sa aming pagmamahalan?"
"Tsh. Baka sa pagmamahal mo sa kanya. Hindi naman mutual, eh. One-sided lang XD Haha!"
"Grabe ka, Sissy! Napaka-unsupportive mo! Palibhasa may boyfriend ka na."
Kinagabihan...
____________________
FROM: 09*********
Dear Crush,
Sa bawat pagngiti at pagtawa mo, hinihiling ko na sana ang dahilan ay ako.
--
Eve to all! Eat your dinner before anything else..GM.
#CrushKita
____________________Huh? Sino kaya 'to? Number lang lumitaw.
____________________
TO: 09*********
Who you po?
____________________
FROM: 09*********
Malalaman mo rin at the right time. Let's just say I'm a secret admirer. Nga pala, crush kita =)
____________________Hanep! May nagkaka crush pala sa'kin?? X)
____________________
TO: 09*********
Ako po ba yun tinutukoy nyo sa hashtag nyo?
____________________
FROM: 09*********
Yup =)
____________________