Prologue
Wait for you?
May pag-asa pa nga ba na magkita tayo?
Cathalina Villafuerte
Ang babaeng dumating sa buhay ko na parang kabute, pero bigla na lang naglaho na parang bula.
Para saan pa't dumating ka kung bigla ka rin namang mawawala? Nasaan ka na nga ba?
-----
Marco's POV
*Flashback*
"Psst!"
Huh? Hindi ko alam kung guni-guni ko lang iyon o talagang may narinig ako ng sumitsit sa akin.
"Psst! Psst! Pogi!"
"S-sino yan?" dahan-dahan akong humahakbang at hinahanap ang sumisitsit.
"Wow! First time 'to! Naririnig mo ako! Nandito ako sa sofa mo!"
Mabilis kong nilingon ang sofa ko at totoo ngang may nakita akong nakaupo roon, kumakaway at nakangiti ng malapad. Humakbang ako palayo at itinuro siya.
"Sino ka!?" malakas na tanong ko sa kanya.
"Pwede ba akong tumira sa unit mo? Wala kasi akong matitirahan eh hehe" pa-cute niyang sabi.
"HA?!"
Ngumiti siya nang mas malapad at mas lumalim ang dimples sa magkabila niyang pisngi.
*End of flashback*
Iyon ang una naming pagkikita.
Sinusundan niya ako kahit saan ako magpunta! Ini-report ko na siya sa may ari ng apartment pero walang nangyari. Napagkamalan pa nga akong baliw dahil wala namang nakikitang lumalabas o pumapasok sa apartment ko sa CCTV.
Pero di nagtagal nalaman ko kung bakit sya madaling nakakapasok sa unit ko
*Flashback*
"Halika! Sumama ka sa akin! Kung hindi ka nila mahuli na pumapasok at lumalabas sa apartment ko, dadalhin kita sa kanila!" sabi ko sa kanya habang hawak ang braso niya at hila-hila siya.
"Hindi nga sabi pwede eh!" angil niya habang pilit na tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
Tumigil ako at hinarap siya. "Anong hindi pwede? Ang hindi pwede ay ang pag trespass mo sa lugar ko!"
"Multo nga kasi ako!"
"What? Niloloko mo ba ako? halika na!" sabay hila ko ulit sa kanya.
Kinuha ko ang kamay nya at dumeretso kami sa elevator, may dalawang matanda doon na binigyan ako ng tila natatakot na tingin.
"Tara na, balik na lang tayo sa apartment mo. Please?" pagmamakaawa niya.
"Nakakatakot naman tong binata na ito kinakausap nya ang sarili nya! Tara bumaba na tayo baka bigla tayong sakalin niyan" bulong ng matandang babae sa kasama niya.
At tuluyan ng lumabas ng elevator ang dalawang matanda.
"What was that?" tanong ko sa kanya.
"Sabi ko naman sa'yo multo ako at ikaw lang ang nakakakita, nakakarinig, nakakahawak sa akin."
*End of flashback*
Kalaunan ay hinayaan ko siyang manatili sa lugar ko. Hindi naman sa may choice ako. Kahit anong taboy ko sa kanya, bumabalik at bumabalik siya. Ayaw niya raw ako pakawalan dahil ako lang ang taong nakita niya na nakakakita at nakakahawak sa kanya.
BINABASA MO ANG
Pero Hanggang Kailan? [One shot] [REVISED]
RomanceOo, True love waits, PERO HANGGANG KAILAN? <Thanks sa book cover @tangerinewoods!! :)>