Ang Alamat Ng Mekong

5.9K 5 3
                                    

Isang araw sa maliit na sakahan naninirahan ang mag-asawang , Taksin at si Chailai

Sila ay namumuhay ng matahimik at matiwasay pawing mabubuting tao din ang nakatira malapit sa kanila.

Sa panahong iyon ang Thailand ay nasa digmaan . kaya naman si Taksin ay isinama sa hukbong sandatahan ,Matapos ang halos isang taong madugong labanan natalo ang mga Thai at sila ay napailaliman ng mga Cambodian.Kaya naglakbay si Taksin pabalik sa kanilang sakahan,ngunit sa daan pauwi may nakita siyang isang basket na iniwan sa daan. Dali- dali niya itong pinulot at nalaman niyang mayroon ditong nakalagay na sanggol na babae .Kinuha niya ito at nagpatuloy sa paglalakbay sapagkat alam niyang matutuwa ang kanyang asawa .Matapos ang ilang araw nakarating si Taksi sa kanilang maliit na sakahan

Ipinakita agad ni Taksin ang sanggol sa kanyang asawa at kanila itong pinangalanang Mekong ,dahil nakita niya itong nakaburda sa kumot ng bata.

Ang bata ay inalagaan nila ng mabuti at tinuruan ng magandang asal,Ngunit napansin ng kanyang mga magulang ang angking katalinuhan ng ipinasok ila ito sa isang maliit na paaralan sa kabayanan.

Lumipas ang maraming taon at sa kanilang masaganang pamumuhay ay hindi sila naabot ng digmaan dahil ang kanilang lugar ay liblib at tila may proteksyon mula sa kapahamakan sa labas.

Si Mekong ay naging isang ganap na dalaga at sa kanyang katalinuhan ay naging isa sa mga guro sa kabayanan ,Ngunit ng magkaroon ng pag-aalsa ang mga Thai,si Taksin ay muling lumahok sa hukbong sandatahan at sa pagkakataong ito sumama din si Mekong , na noong una ay ayaw payagan ni Taksin.

Dahil sa katapangan Ni taksin siya ay naatansan pamunuan ang mga Thai na naninirahan sa pagitan ng Cambodia at Thailand,Malugod naman itong tinanggap ni Taksin at siya ay nakilala sa buong bansa,si Mekong din ay isang dedikadong sundalo at ipinagmalaki ng kanyang ama.

Matapos ang dalawang taong mahigpit na labanan,tila nagwawagi na ang mga Thai sa ilalim ni Taksin ,kaya naman sinalakay na niya ang pangunahing siyudad ng mga Cambodian ang Ankor,ngunit sa kasawiang palad natalo ang mga tauhan ni Taksin at kanya rin itong ikinamatay.Dahil sa pangyayaring ito si Mekong ang ginawang bagong pinuno.Agad niyang sinalakay ang mga kalaban,sa pagkakataong ito kanyang napagtanto na siya ay may kapangyarihan ng maapula niya ang apoy sa isang nasusunog na taniman ng itinaas niya ang kanyang kamay  dahil may lumabas ditong malakas na talsik ng tubig.

Naisip niya itong gamitin upang tapusin ang digmaan ng paghiwalayin niya ang Thailand at Cambodia sa pamamagitan ng paggawa ng isang ilog .Dahil dito hindi na nagpang-abot ang dalawang lahi at nagbalik si Mekong sa kanilang sakahan,ngunit walng sinuman sa kanyang mga tauhan ang muling nakatagpo sa kanilang dakilang babaeng heneral.

Pagtagal ng panahon tinawag ang ilog na Mekong

Na ang ibig sabihin ay “Ina ng Tubig”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Alamat Ng MekongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon