TGC#3

39.9K 716 6
                                    

#3

----------

Masungit nga!

Dalawang araw na si lola dito sa ospital, ako lang ang nagbabantay sakaniya dahil syempre kami nalang dalawa ang magkasama sa buhay. Pagkauwi ko galing trabaho dito na ko dumidiretso para magbantay at mag alaga sakaniya. Hayy buti naman at medyo maayos na ang lagay ni lola pero minsan sumasakit parin talaga ang katawan niya.

"Serah, apo. Kumain ka na ba? Hindi kita nakikitang kumakain baka manghina ka niyan ikaw naman ang magkasakit" Nagaalalang tanong ng lola ko. This is why i love her, Kahit na nahihirapan na siya sa buhay o kahit sa kalusugan niya inaalala niya padin ako. Minsan isusubo niya nalang ibibigay pa sakin.

"Ok lang po ako lola, Kumain na po ako kanina bago pumunta dito" Tumango naman si lola at ipinikit na ulit ang mga mata.

Naisip ko yung trabaho bilang PA sa mga model ng Martin Group, kaylangan ko ang trabahong yon kaya sana talaga matanggap ako. Kung hindi baka humanap nalang ako ng ibang raket. Inayos ko ang mga papeles kong dadalihin bukas. Bukas na kasi kami magpapainterview sa Martin Group para sa trabahong iyon. Wala naman sinabi na kaylangan college graduate kaya sana talaga matanggap kami. Baka hindi na muna ako pumasok ngayong pasukan. Iipunin ko nalang muna yung makukuha kong pera para sa pang pagamot ni lola.

Napakamot naman ako sa ulo habang tinitignan ang nirisetang gamot ng doktor. Gamot palang umabot na ng tatlong libo. Pano pa kaya yung pang bayad namin dito sa ospital bawat araw na nandito kami lumalaki ng lumalaki ang kaylangan kong bayaran.

"Lola lalabas po muna ako, bibilihin ko lang po yung gamot niyo"

"Sige hija, mag iingat ka"

Paglabas ko ay tinawagan ko agad si Guia. Pero hindi niya ito sinasagot. Itatanong ko sana kung anong oras kami bukas. Habang naglalakad ako at dinidial ang numero ni Guia naramdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko. Arrggg! Hindi pa ako kumakain. Dalawang libo nalang ang laman ng wallet ko kulang na kulang sa pang bili ng gamot ni lola. Uunahin ko nalang muna bilihin yung mga sinabi ng doktor na importante dito. Yung iba kasi vitamins lang naman ni lola hindi naman daw masyado importante yon sinali lang ng doktor para mas lumakas ang resistensya niya.

Pagdating ko sa mercury drug pumila agad ako para makabili ng gamot. Hindi na talaga sumagot si Guia kaya hindi ko na kinulit. Baka busy ang babaeng yon magtetext naman siya pag nakita ang missed calls ko.

"Miss? Saiyo ba tong wallet?" Tinapik ako ng isang lalaki at agad akong napatingin sakaniya.. Nanlaki ang mata ko at napanganga nalang sa nakita ko. SIYA YUNG LALAKI SA SHOP NOONG ISANG ARAW! Yung kapatid nung magandang babae!! Ano nga pala pangalan niya? Hindi ko maalala!  Ang naaalala ko lang ay Celine yung pangalan nung babae.

"Miss? Kung hindi sayo to pwede naman sabihin mo nalang hindi yung nakanganga ka jan" Bigla naman naginit ang ulo ko sa sungit ng lalaking to. Nakita ko na hawak hawak niya ang wallet ko. Hala? nalaglag? Pano nalaglag yan sa bag ko? Binuksan ko ang bag ko at oo nga! wala nga dito ang wallet ko!

"Pano...pano mo to nakita? at oo sakin yang wallet na yan"  Kinuha ko sakaniya ang wallet ko at binigyan niya lang ako ng naiiritang ekspresyon. Psh! Gwapo nga ang sungit naman.

"Habang nakatulala ka kasi may lalaki sa likod mo na kinukuha na ang wallet mo sa bag mo" Tinuro niya ang lalaking hawak hawak ng guard. SHIT LANG? Masyado na ata akong nagiisip kaya yan di ko na napansin! Hayy buti nalang at nakita nitong masungit na to.

"Ganun ba, Salamat at nakita mo." Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang walang nawala sa wallet ko.

"Sa susunod kasi wag kang nakatunganga." Bago pa ko makaangal sa kasungitan ng lalaking to umalis na siya sa harapan ko. Psh?! pasasalamatan pa naman sana kita kaya lang ang sungit mo kaya wag nalang uy!

Ang sungit, porket mayaman. Habang naghihintay ako na ibigay ang gamot na kaylangan ko, naalala ko ang itsura ng lalaking masungit. Nakasuot siya ng damit na nagmumura ng pera. Sigurado akong mamahalin ang damit na suot niya dahil sino ba naman mahirap ang pupunta sa mercury drug ng naka suit? Diba?. Naka grey suit siya at itim na vneck na panloob. May suot din siyang dog tag na kumikislap sa tuwing nasisinagan ng ilaw. Medyo magulo at itim na itim ang buhok niya. Galante tignan at matangkad. Gwapo talaga! Kaya lang masungit at mukang mayabang.

"Miss ito na po" Inabot sakin ng babae ang gamot na kaylangan ko kaya nagbayad na ko. May natira pang 200 pesos sa pera ko. Bibili nalang muna ako ng kahit isang biscuit para naman magkalaman kahit papano ang tiyan ko.

Habang nilalantakan ko ang sky flakes na binili ko naglakad na ko pabalik ng ospital hindi naman masyadong malayo sa ospital kaya nilakad ko nalang. Hindi mawala sa isip ko ang katapusan sana na mararanasan ko nang may nagtangkang magnakaw ng wallet ko buti nalang talaga at nakita ng masungit na yon.

Kriinnnggg krrriiiinnngggg!

Kinuha ko agad ang cellphone ko at nakitang si Guia ang tumatawag.

"Oh Guia, kanina pa kita tinatawagan ah?"

[Nakita ko nga ehh. 19 missed calls? seryoso?]

"Gaga, itatanong ko kasi kung anong oras tayo pupunta bukas"

[Ay oo, mga 8am siguro. Yun kasi yung nakalagay sa dyaryo eh]

"Ah ganon ba sige. Hintayin nalang kita sa kanto ninyo"

[Sige tapos sabay nalang tayo, Kamusta na pala si lola?]

"Ayon ok naman, Ito nga at galing akong mercury bumili ako ng gamot. Naalala mo yung gwapo nung isang araw sa shop? Nakita ko kanina ang sungit!"

[ANOOO?! NAKITA MO SIYA?! MY GOD! ANG MALAS KUNG KELAN HINDI TAYO MAGKASAMA!] Inilayo ko sa tenga ko ang cellphone dahil sa kinikilig niyang sigaw na para bang tumitili na ewan basta!

"AISH! KAYLANGAN SUMIGAW?!" Tumawa lang siya sa sigaw ko. Kainis to dami daming crush.

[Wag ka nga! Gwapo niya noh? my gossh! Pero tama ka balita ko nga masungit daw yon]

"Masungit talaga, Magbabalik nalang ng wallet nasermunan pa ko"

[Ano ba nangyari? binalik niya wallet mo? ano?! bakit may ganung eksena!]

"Hay nako, nandito na ko sa ospital kwento ko nalang sayo bukas"

[Nakakaasar to di pa ikwento ngayon]

"Bbye na ah?"

Napabuntong hininga nalang ako nang makarating na sa ospital. Hayy kahit gwapo yon masungit naman wala din noh. Di man lang marunong gumalang sa kapwa tao :/

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon