07/11/14
Dear Diary,
Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Magiging masaya dahil break na si crush at current girlfriend nya or malulungkot dahil may kalandian syang bago? Nakita ko si crush, may ka-holding hands. Ano ba'yan. Kaka-celebrate ko lang kasi break na sila nung pusit nyang ex tapos may kasama naman syang hipon. Ang hilig nya sa seafoods ah. Palibhasa tubig sya – walang taste. Haha. Joke. Pero kasi naman. Sana manlang mas maganda sakin yung kalandian nya. Hindi ako maganda, oo, pero yung kalandian nyang hipon? Ay siyet. Nevermind! Grabe. Nakita ko silang magkaholding hands. Tas kalapit ng mukha nila sa isa't isa. Nakayakap pa si crush sa hipon! Ugh. Naiinis ako talaga. Tapos kalat pa na crush ko yun. Ang alam ko pa, alam nya na crush ko sya. At nung nalaman nya yun, tumawa lang sya. Awts, tawa-zoned. Ge. Yan na muna sa ngayon diary. 'Til next time.
The prettiest bitter alive,
- HeyGoddess
BINABASA MO ANG
Online Diary.
RandomThis isn't a story. This is my diary. :) Read at your own risk.