Isang araw habang kumakain kami ng hapunan...
"Nay, kailan mo ba ako ibibili ng bagong sapatos?" hiling ko kay inay.
"Luma na po kasi ang sapatos ko at nakanganga na , inagtatawanan na nga po ko ng mga kaibigan at kamag-aral ko tuwing nagbabasketball kami" dagdag ko.
"Pasensya na anak, wala pa kasing pera si inay. Hayaan mo lalabhan ko na lang at didikitan ng rugby yang luma mong aspatos upang magmukang bagong muli" tugon ni inay.
"Pero bakit kay ate may pangbili ka ng gown? Tapos ako simpleng sapatos lang di mo pa mabili-bili?" sabi ko.
"Anak, isang beses lang sa buhay ng ate mo mangyayari ang araw na yun kaya pagbigyan mo na lang ang ate mo" sagot ni inay.
"Hayaan mo kapag nakapag singil ako ng utang ng mga suki ko, ibibili agad kita ng sapatos na gusto mo" dagdag pa nya.
BINABASA MO ANG
SAPATOS (A Mother and Child Story)
Short StoryA mother and child story originally written by: Aris Natividad Wattpad translator: ako_mckulet