💍Trouble 7: Trouble💍

1.1K 58 22
                                    

Hating Bakla
(SHERIDAN)
by imrodsy23


Dedicated to
bijoulee

As you wish, sire... hahahaha




~~~

"WHERE have you been?"

Nahinto si Calvin sa pagpasok sa silid ng anak nang mula sa likuran ay marinig ang mapanitang tono ng babae.

Si Edcelle ang nalingunan niya. "Gusto mo talagang paulit-ulit na alamin?" Malamig niyang sagot-tanong sa nakahalukipkip na dalagita.

Agad namang tumalim ang kislap ng mga mata ni Edcelle at sa nagbabantang tono ay sinabi: "Makilala ko lang kung sino 'yang kinahuhumalingan mong babae, magugulat ka na lamang sa maaari kong gawin."

Subalit ipinagkibit-balikat na lamang iyon ni Calvin, kasunod ang nang-aasar na ngisi. "Hindi mo ako matatalian sa leeg. Hindi mo ako pag-aari at wala tayong ugnayan maliban sa anak ko sa 'yo, nalimutan mo na ba 'yon, Edcelle?"

Nauuyam na tumawa ang dalagita."Isiniksik mo ang sarili mo sa akin, Formalejo. Ikaw itong sumunod dito sa akin. Kung hindi ka sana sumunod---"

"Ipapalaglag mo ang anak ko, ganoon ba!" Sumisingasing na sambot ni Calvin. Kumuyom ang kamao sa pagtatagis ng mga bagang. "Kung hindi ako sumunod, siguro ngayon ay hindi mo kailangang pagtaguan ang mga magulang mo dahil maaaring nakitil mo na ang buhay sa sinapupunan mo! Kung hindi ako sumunod, sana ay malaya ka ngayon at doon sa siyudad nagpapakasasa sa pagkasosyal, iyon ba, Edcelle! Matapos mong sabihin sa aking buntis ka at ako ang ama, binalak mong ipalaglag ang bata. Naniniwala ka ba talagang hahayaan kong gawin mo 'yon? Kung ikaw walang konsensya, ibahin mo ako, Edcelle!"

"P'wes! Panagutan mo rin ako! Bakit ang anak ko lang, ha? Sa tingin mo, papayag akong makuha mo siya sa akin? Never! Dadaan ka muna sa bangkay ko or much better, pakakasalan mo ako para maging isang buong pamilya na tayo! Hindi 'yung kung kani-kaninong kandungan ka pa kumakarinyo!" Asik ni Edcelle kasabay ng pagduro-duro sa dibdib ni Calvin.

"Hindi ikaw ang nararapat sa akin, Edcelle. Hindi pa ako natatanga kagaya ng kung paano tumatakbo 'yang utak mo!"

"Damn you!"

Subalit tumalikod na si Calvin at deretsong pumasok sa silid ng anak.

Naiwan ang dalagita sa pagpupuyos ng kalooban.

Arrogant-asshole! At sino ako para isiksik ang sarili ko sa 'yo? Ha! Napakaraming lalaki sa mundo para maghabol sa 'yo! Kung hindi lang dahil sa utos ni Papa, never akong magtitiyaga sa bulok na lugar na ito! This is shit!

Iyon ang tagis-bagang na bulong ni Edcelle sa isip. Binabanas itong tumalikod sabay sa pagdukot ng cellphone sa bulsa ng suot na hapit at makitid na garterized shorts.

Nag-dial at ilang saglit pa'y...

"Babe," ang kabilang linya. "Sabi ko naman sa 'yo, mamaya na lang. May trabaho pa ako at---"

"Okay, sa iba na lang ako magpapakasarap! Wala ka talagang kwenta! Gusto mo break na tayo!"

"Fuck you!"

Napangisi ang dalagita. "Yeah, come here and fuck me. Or choose, trabaho o ako?"

"Tangna! Syempre ikaw! Sige! Doon tayo sa bahay!"

Tuluyan nang lumawak ang ngiti ni Edcelle.

Habang sa likod ay hindi napansin ang nagdidilim na mukha ni Calvin.

"AWW--SHEEY! Oh my god, my mini skirt!" Maarteng tili ni Rolan; almusalan nang umagang iyon. Mangiyak-ngiyak ang baklita nang tumayo at kumpirmahin ang napunit na likuran ng suot na skirt. Sumabit ang tela sa nakalitaw na ulo ng pako sa silyang kahoy na niluma na ng panahon.

Bakla 2: Hating Bakla : SHERIDAN (GayRomance) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon