TGC#4

38.1K 668 4
                                    

#4

----------

Elevator.

"Nako baka malate tayo! sigurado ako mahaba nanaman ang pila don!"  Naiiritang angal ni Guia. Nasa jeep na kami ngayon at papunta na sa building ng Martin Group. Hindi ko nga alam kung saan iyon kaya wala akong ideya kung malapit ba ito o malayo sa bahay.

"Madali lang naman ang interview don kaya nga nakapasok ako nung una kaya wag ka kabahan ok?" Nginitian ako ni Guia at napabuntong hininga lang ako. Pano ba naman kinuwento niya sakin kagabi na yung masungit pala yung may ari ng kumpanya na yon. Akala ko nagbibiro lang siya nung una yun pala totoo talaga.

"Hindi naman siguro yung masungit ang magiinterview satin noh?" Nagaalala kong tanong kay Guia. Baka kasi kumulo lang dugo ko pag siya nag interview samin tapos masigawan ko pa yung masungit na yon hindi pa ko matanggap.

"Don't worry hindi naman siya yung mag iinterview" Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Pumara kami at nakita ko agad ang mataas na building ng Martin Group. Talagang malaking kumpanya ito. Meron silang ospital, school, mall, clothing line at hotel. Hindi lang dito sa maynila kundi sa ibat ibang parte ng pilipinas. Meron na nga din Martin Hotel sa ibang bansa kaya siguro meron na din silang establishments international.

"Sigurado ka ah, baka kasi maistress lang ako pag siya yung nag interview" Binatukan na ko ni Guia. ARAY AH!

"Hindi ang CEO ng kumpanya ang nagiinterview ng mga papasok na PA para sa mga models niya. HR ang mag iinterview ok?"  Tumango tango nalang ako at pumasok na kami sa building. Tinuro naman ng guard samin kung saan yung interview.

Habang nag hihintay kami sa pagbukas ng elevator para bang may kung ano sa tiyan ko na di maipaliwanag? parang nasusuka ako na ewan? Siguro sa kaba lang? Hindi naman ito ang unang beses na pumasok ako sa isang malaking kumpanya pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Malaking kumpanya din naman ang Stylenanda na pinagtatrabahuan ko ngayon eh pero iba talaga pakiramdam ko ehh.

TING!

Tumunog na ang elevator at dahan dahan bumukas ang pintuan. Nakayuko ako at tinitignan ang sapatos ko habang naghihintay sa paghila ni Guia sakin papasok ng elevator.  Nagulat naman ako ng may biglang bumangga samin at nabitawan ko ang ilang papel na hawak ko. SHIT NAMAN KUNG MINAMALAS NGA NAMAN?

"Naku miss sorry! sorry ah nagmamadali kasi ako! sorry talaga" Napatunganga ako sa lalaking napaka gwapo! Maputi at mukang koreano ang isang ito. Muka nga nagmamadali siya. Tinulungan niya ko sa ilang papel na nahulog ko pero hindi na niya ito natapos dahil sa ring ng ring ang phone niya. Ok lang at least tumulong naiintindihan ko naman na nagmamadali siya. PERO ANG GWAPO TALAGA!

Pumasok na kami ni Guia ng elevator. Dalawa lang kaming pumasok dito kaya maluwag akong nakahinga ng maayos. Napatingin naman ako sa tahimik na Guia at naka ngiting aso lang siya. Problema nito?

"Ok ka lang? bakit ganyan ka makangiti?" Tinignan niya lang ako at siniko pa. Baliw lang to?

"Uyy.. kung makatingin ka dun sa lalaki kanina ahh" Ayan na ang pang aasar niya. Sasagot sana ako pero hindi ko na naituloy nang may biglang humawak sa pintuan ng elevator kaya hindi ito tuluyang nagsara.

Napanganga naman kami ni Guia nang makita namin ang matatalas na mata ng matangkad at eleganteng lalaking masungit. Nagkita nanaman kami! Nagiwas ako ng tingin ng makita kong nakatingin siya sakin. Psh! wag niya sana ako maalala grr! Hinawakan ni Guia ang braso ko at inilapit sakaniya nang tuluyang pumasok si mr. masungit na may dalawang lalaki at isang babaeng kasama.

"Ugh! ang init sa labas" Pinaypayan ng isang lalaking blond ang buhok ang kanyang sarili gamit ang kamay niya. Ang gwapo ng isang ito. Dami atang gwapo ngayon?

"May pagkain ba sa office mo Ian?" Tanong ng isa pang lalaking kasama ni mr. masungit. Kulay pula ang buhok nito at nakaakbay sa babaeng matangkad at kulot ang buhok na mukang modelo.

"Hindi ko alam." Mariin na sagot ni masungit. Hindi ko siya matignan dahil baka mamukaan niya pa ko.

"Um Ian, Is it true that Celine didn't accept the scholarship at Harvard?" Tanong ng babaeng mukang modelo. Harvard daw? Diba school iyon ng matatalino sa ibang bansa? Celine? diba yun yung magandang babae na kapatid nitong si masungit?

"Yes, That's true because she's stupid like someone else in here" Parinig ni masungit. Kitang kita ko sa gilid ng mga mata ko ang matalas niyang titig sakin.

TIINGGG!

Napatingin ako sa pintuan ng elevator at ito na ang floor namin ni Guia. Hinila ko na si Guia palabas doon at hindi ko na talaga kaya ang kayabangan at kasungitan ng lalaking iyon! baka mabadtrip pa ko at hindi ako makaayos ng sagot sa HR mamaya eh! GRRR! nakakasira ng araw! -_-

Nang tuluyan kaming nakalabas ay narinig kong sumarado na ang elevator. Tumigil ako at huminga ng malalim. Kalma Serah, Kalmaaa! Hindi siguro dito ang floor nila kaya hindi sila dito lumabas. Napatingin naman ako kay Guia na ngayon ay pulang pula at ngiting ngiti na nakahawak pa sa mga pisngi niya.

"Uy. anong nangyayari sayo?"  Kinalabit ko siya at tinginan niya lang ako at bumingis ngis. Hala baliw na to?

"Kita mo ba? Ang gwapo gwapo niya talaga! Ang swerte ko naman ngayong araw! Mukang matatanggap ako ngayon for sure! yeieeeee!" Pinulupot niya ang kamay niya sa braso ko at hinila na ko papunta sa mga nakapilang magpapainterview para sa trabaho.

Psh. Para sakin hindi gwapo ang lalaking yon! Hindi maganda ang ugali niya kaya ano pa silbi ng muka niya? Pag mayaman talaga! porket mayaman sila ang mataas ang estado sa buhay kaya na nila mag siga sigaan sa mundo. Hindi uubra sakin yang mga ganyang ugali! -_-

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon