Isang araw sa lungsod ng Manolo, Pob. Chinito Wonderson St. ay may naninirahan ang Pamilyang Bella na sina Aling Cora Bella at Mang Lito Bella. Sa tagal ng kanilang pagsasama ay nagbunga ang kanilang pag-iibigan at pinanglanang Elisa Bella.
Maagang nagising ang mag-anak dahil ngayon ay araw ng lingo. Sila ay magsisimba. Naghanda si Aling Cora ng almusal, sinangag na kanin at bulad na tapa. Pagkatapos kumain ay pumunta na sila sa simbahan. Napagpasyahan ni Elisa na magpahangin muna. Pumunta siya sa likod ng simbahan at doon ay nakita niya ang malagong puno ng balete. Dahil namangha siya sa kanyang nakita ay nagselfie-selfie siya gamit ang kanyang IPhone5 at nagpost sa Facebook.
Ligid sa kanyang kaalaman ay may naninirahan sa punong iyon. Isang uri ng halimaw na mabalahibo (moon of desire), may ahas sa balikat (anak ni Zuma) at kalahating isda (Dyesebel). Nakamasid sa aknya ang halimaw nang bigla siyang tinawag ng kanyang ina dahil magsisimula na ang misa. Pagkatapos ng misa nagstatus sa fb si Cross na ultimate crush niya sa Laranjo University na sila daw ay magkikita sa mall. Ngunit hanidi siya pinayagan ng kanyang mga magulang. Dahil ditto, siya ay nagtampo at nagwalk-out. Nakita niya ang abandunadong bahay ni Kuya (PBB) at doon siya umiiyak.
Hindi niya namalayan ang oras at naabutan siya ng malakas na ulan sa bahay ni Big Brother. Dahil sa lakas ng ulan ay nagkaroon ng baha. Nadasa siya at may napansing kakaiba sa kanyang balat.
May narinig siayng malaking boses na tumatawa “jejeje” (partida jejemon ang halimaw). “Sino ka?? Wag ka nang paligoy ligoy pa (NadIne Lustre ) dahil ako’y natataranta na (James Reid) di ko alam ang gagawin period no erase (DNP)”—Elisa. At muling nagsalita ang halimaw “Ganti ko yan sayo dahil di mo ko sinali sa pagsi-selfie kanina sa punong tinitirhan ko.” Dahil sa takot ay tumakbo siya palayo sa bahay ni kuya. Di nya namalayan ang isang paparating na sasakyan at sya ay nabangga. Dumating ang mga tao at naki usyuso sa pangyayari. Nagulat ang mga tao dahil kakaiba ang kanyang balat. Isang malaking kaisipan para sa kanila kung bakit ganon ang balat ng dalaga. At tinawag nila iyong ELISA ANG BABAENG PUNO..
*END*