(Next Day)
Krisha's POV
Andito ako ngayon sa room ko nakahiga sa kama pero gising nako.
Ayoko pang bumangon. It's only 4:00 on the morning. 8:00 pa ang pasok ko.
♡YOUR HANDSOME BOYFRIEND IS CALLING!!! YOUR HANDSOME BOYFRIEND IS CALLING!!!♡
Ringtone ko po 'yan. Boyfriend ko po ang naglagay ng ganyang ringtone. Haha
⇨Phone Convo.⇦
( LEGEND: Krisha & Francis)
"Hi babe" garalgal pa ang boses ko nung pagkasabi ko non.
"Nagising ba kita??" Wow ha!! Ang ganda ng bati mo saakin..
"Ah hindi ,ok lang. Kakagising ko lng naman eh" nakakainis ka. Ughhh!!!!
"Napatawag ka nga pala?" dugtong ko pa.
"I just wanna invite you to have a date with me later?" sabi nya.
"Ok" sagot ko.
"So, i'll pick you up after class?" he said.
"Ok" tipid kong sagot.
"4:30 mamaya i'll be there."
"Ok bye. I love you" I said.
He ended the call.
→End of Phone Convo.←
UGHH!!! Nakakainis. Gusto ko sanang kiligin dahil niyaya niya akong magdate pero panira rin siya ni hindi man lang nag 'Good Morning o Hi' at 'I love you too o I love you'... BADTRIIIP!!!!
Makabangon na ngalang..
I did my morning rituals at bumaba na to eat my breakfast.
﹏﹏﹏﹏
Andito na ako ngayon sa school and papunta ako ngayon sa social hall kasi malapit dito ang tambayan ng BRATZ. Ang BRATZ lang ang pwedeng makapasok don unless we permitted you.
I was walking ng makita ako nina Mariama at Angela. Nakapagtataka ba't wala yata si Althea ngayon???
"Oh, ang aga-aga ba't nakabusangot ka" Angela.
"Oo nga, hindi maipinta ang mukha mo" sabi naman ni Mariama.
"Alam nyo girls? Salamat ha, nakakatulong talaga kayo. Imbis na tulungan nyo kong mawala ang pagkabadtrip ko. Dinadagdagan nyo pa." sarkastiko kong sabi.
"Whatever" sabi ni Angela.
" Ba't ka ngaba badtrip na badtrip??" tanong ni Mariama
"Eh kasi kanina ang ganda-ganda ng gising ko tumawag bigla si Francis" sabi ko.
"Eh yun naman pala eh" sabi ni Angela.
"Oo yun nga ni hindi man lang naghi o goodmorning at I love you inendcall nya na lang bigla" badtrip kong sabi.
"Wag mo na ngang problemahin yan at ba't ka nga pala nawala kahapon ?" Angela said.
"Eh umuwi ako agad kahapon kasi amoy kape ako. May nakabangga kasi akong lalaki kahapon eh nagmamadali raw sya kaya hindi nya ako nakita kaya ayun natapunan ako." sabi ko.
"And sa kasamaang palad classmate ko sya" sabi ko.
(FLASHBACK)
Pagkapasok ko ng classroom wala pang masyadong tao and umupo ako dun sa pinakaharap at nagsoundtrip kasi ang ingay ingay dito. Nang biglang nawala yung ingay at napaangat ako ng aking ulo at tinignan yung mga classmates ko and nakanganga silang lahat. Sinundan ko kung saan sila nakatingin and it was Mr. Coffee. The boy who spilled his coffee on me.
"Ikaw na naman???!!!/Ikaw na naman???!!!" sabay naming sabi.
And I heard na nagbubulong-bulongan ang mga kaklase ko.
"Close sila???"
"Friends sila???"
"Magkakilala???"
"Will you just shut up???!!!!" sabi ko.
Sabay walkout. Walkout Queen na kung Walkout Queen eh nakakairita rin kase sila.
(END OF FLASHBACK)
﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
A/N: So guys hanggang dito na lang po muna. Di bale may Part 2 po ito. Pls. vote and comment....
-Denise♡
