#1

943 16 3
                                    

1.

Ang init ng Pilipinas. 

Yan lang muna ang masasabi ko. Kanina pa kumikirot ang tiyan ko sa gutom. Mabuti nalang at mahal ako ng pinsan ko at pinagpahinga muna niya ako sa kotse niya. Ang init init sa loob. Nahihilo ako sa mga gown na suot nila. Di ba sila naiinitan at parang kulang nalang longsleeves yung gown na suot nilang lahat. Well, except sa mga lalaki.

At sa tingin ko may hula na kayo kung nasaan ako. 

Nasa simbahan kami ni Josh. Pinsan ko. Anong ginagawa namin dito? Kumukuha kami ng litrato. Photographer kami at yan ang ikinabubuhay ko. Magdadalawang oras na kami dito. At di pa kami kumakain. Iidlip nalang muna siguro ako nang mawala ang pagkahilo ko.

1

2

3

4

5

"Aaaaaaah!" 

Napasigaw ako nang may lalakeng pumasok sa driver seat ng sasakyan. At kung di ako nagkakamali isa siguro siya sa mga bisita sa kasal.

"S-sir, anong ginagawa n-niyo dito? Mali po kayo ng sinakyan---"

"Miss, I need to borrow your car."

At dun na ako kinabahan dahil di pa ako pumapayag ay in-on na niya ang engine.

Shet. Bakit iniwan ni Josh yung susi dito?!!!! Gago ba siya?!

"S-sir, hindi po akin ang sasakyan na ito."

"Miss, I need to get out of here. I promise to take your car back."

Pero instead na sagutin ko siya, tinignan ko lang siya ng masama. 

At natigil ako ng pinaharurot niya ang sasakyan. At dahil dun napakapit ako sa seatbelt.

My Runaway Groom (Tao and Yuri Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon