Seatmate Oh!!

171 4 2
                                    

First day of class. Fourth year High School na ako. Konti palang yung mga ka-close ko dito sa school, 'cause I'm a transferee nung Third Year. Nahihiya ako kasi halos lahat ng kaklase ko new faces 13 lang kaming magkakaklase dito nung Third Year, kasali na ko dun. Nahihirapan akong makipagsabayan at mag adjust sa kanila, feel ko, I don't belong to them, I'm just an outcast . Parati lang ako mag-isa, di ko naman masyado ka close yung mga kaklase ko dati.

Nagsimula lang naman ang lahat noong nag seating arrangement kami. Alphabetical order ng boys and girls. G1-B1,G2-B2,G3-B3,G4-B4,G5-B5...and so on. Gets nyo?? So yun nga, nakatabi ko si IDK, you know di ko pa kilala at nahihiya akong magtanong kung ano yung pangalan. Narinig ko lang sa mga kaklase ko na Erick daw yung pangalan nung guy na katabi ko. It happen na sa computer subject ko, seatmate ko din sya, kaya napaisip ako ng wala sa oras na meant to be kaming dalawa.

Ang saya lang isipin na sa halos lahat na subjects, groupings at cleaners ay palagi kaming magkagroup. Naging ka-close ko lang din siya nung nag kwento siya about sa lovestory nila ng girlfriend niya.

Mahirap mang aminin pero, nasasaktan ako para sa kanya kasi ang cold ng girlfriend nya. Hindi naman sa sinisiraan ko si Gem(pangalan ng gf niya) pero ako ang nahihirapan sa sitwasyon nilang dalawa. Halos lahat na kasi na surprises ginawa na ni Erick para kay Gem pero parang balewala lang din.

It also happened na tinanong niya ako kung anong magandang kanta kasi haharanahin niya yung girlfriend niya so sinuggest ko yung "Terrified, nalang para mas lalong ma feel ni Gem"

-----

Kinakanta na niya ngayon yung chorus na part

You said it again my heart's in motion. Every word feels like a shooting star...

Ang sarap pakinggan nung kanta kasi ramdam na ramdam mo talaga lalo na't ang lamig ng boses niya. Pero hanggang kinig lang ako, kasi dito ako sa likod ng school building tinatanaw silang dalawa sa malayo.

----

Habang tumatagal nagiging malabo na rin ang relasyon nila ni Gem so I take the chance.

Naging mas close kami sa isa't-isa at palagi niya akong hinahatid sa sakayan ng jeep. Wala na akong hihilingin pang iba. Ang saya saya ko.

----

Malapit na rin ang Christmas party namin. Nagbunot-bunotan kaming magkaklase kung sinu-sino ang reregaluhan. Babae ang nabunot ko si Unicee. Tinanong ko si Erick kung sino yung nabunot niya pero secret daw. "Secret nga. Ba' t ba ang kulit mo? Kahapon mo pa ako tinatanong niyan" sabi niya sakin.

"Iiihhh halos lahat na na kaklase natin alam ko na kung sino yung nabunot nila. Ikaw nalang yung hindi. Masyado kang secretive na tao! Break na tayo!" joke ko sa kanya curious kasi ako kung sino.

My wishlist kami sa aming section, yung nilagay ko is: Voiceless na 1-2, She Died, The Bet, My Prince, My Fb Bf, Tamako Sia, Break The Cassanova's Heart, basta kahit ano lang jan as long as my gift sakin na book galing wattpad.

Nandito kami ngayon ni Lara sa NBS kasi bibilhin ko yung The Bet, kaka-publish lang nun. Hindi narin naman ako mag eexpect sa nakabunot sakin kasi malay ba nun sa mga books na galing wattpad diba? Baka Fifty Shades Of Grey yung bilhin sakin. Mahirap na, baka mabasa ni mama.

Nasa counter na kami nung my tumawag sakin. "Louise!" Paglingon ko si Erick pala kasama niya yung friend niya na si Light. "Anong ginagawa nyo dito?" Tanong niya samin. "Diba obvious? Bibili ako ng book. You know mahirap na baka hindi alam ng magreregalo sakin ang gusto ko. Naninigurado lang ako." sabi ko sa kanya. "Ahmm 'wag mo nalang bilhin yan. Ako nalang yung bibili."

Si Seatmate ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon