Mr. Sticky Note (One Shot Story)

728 44 19
                                    

Mr. Sticky Note (One shot story) 

By: Lykz [klyarumdaum]

"Hoy Meryl, huwag ka ngang humarang diyan. Umupo ka." sabi ko sabay gesture na umupo na siya. Paano naman kasi hindi ko makita si Jade dahil paharang harang siya.

"Tunaw na siya kakatitig mo, hindi ka pa rin niya napapansin" --Nath

Ambastos talaga ng mga kaibigan ko. Kung makasuporta WAGAS.

"Kayo na supportive!" sarcastic kong sabi. Oh wait, ako nga pala si Seffira Jane Rovera. Fourth year high school ako sa Benneth Academy at kasama ko ngayon ang mga supportive kong kaibigan na si Meryl Santos at Khim Nathalie Reyes.

Lunch break namin kaya nandito kami ngayon sa paborito naming spot sa cafeteria. Actually ako lang naman ang may paborito sa spot na ito dahil diretso siya sa kinauupuan ni Jade Hexus Manzano. Matangakad, chinito ,matangos ang ilong, maputi, matalino at mabait DAW!

Hindi ko naman kasi siya ganoon kakilala kasi block A siya samantalang ako, block C ako, pero hindi ako bobo a, slight lang ay este average lang. Uh. . . teka, nasabi ko na bang siya ang prince charming ko?

"Aray! bakit ka nanghahampas?" sabi ko sabay himas sa braso ko. Hangsakit! -___-

"Ngumingisi ka diyan e!" --Nath

"Hayaan mo na. Sa pagdedaydream na nga lang niya nakakasama si Jade e. Pagbigyan mo na. Kawawa naman." --Meryl

"Tara na nga!" nasabi ko na lang. Tutal palabas na rin naman sila Jade.

Buong klase lang akong walang naintindihan dahil wala naman akong ibang ginawa kundi isulat yung panagalan ni Jade sa likod ng notebook ko. Grabeee natamaan talaga ako sa kanya. Kaso anduga naman ni Kupido, ako lang tinamaan niya, ano yun? Nakaiwas siya?

Yung sumunod na subject nagdiscuss lang din ulit yung teacher namin at heto na nga ang pinakahihintay kong last subject which is computer laboratory na two hours. Masarap matulog doon, aircon e.

Nung palabas na yung mga sinundan naming class, nakita kong isa sa kanila si Jade Oppa. Kyaaaaah hanggwappo talaga! ^____^

"Lalalala pasok na! Tulala ka na naman." Tapos pinagtulakan pa ako papasok nung dalawa.

Binigyan kami ng teacher namin ng seating arrangement dahil ngayon lang naman kami mineet. Sa computer number 24 ako kaya naman medyo nasa likod na ako at pwede akong umidlip. Dudukmo na sana ako nung bumukas yung pinto at iniluwa non si O___O shocks si Jade Hexus.

"Ma'am naiwan ko po yung notebook ko, babalikan ko lang po sana." sabi niya. Tumango naman yung teacher namin tapos Omo Omo +___+ papalapit siya sa akin. Hayan na ha------AY! Sumimangot naman daw ako nung tumigil siya sa computer number 20. Akala ko sa akin pupunta.

ASSUMING KASE! -________-

~~

Fourth day of classes, wala namang importanteng nangyari except sa isang mahiwagang sticky note na accidentally kong nakapa sa silong ng computer table ko. Ang weird nga kasi ang nakasulat. . . .

Mr. Sticky Note (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon