PIA's POV:
"Pia busy pa din ba si Stan?" kinikilig na tanong ni Angelie.
Nandito kaming tatlo sa caf. nagkataon kasing pareho naming freetime tatlo.
"Yep, super...tsaka ikaw Gelie mas matanda pa din si kuya Stan kaya tawagin mo siyang kuya porket crush mo lang" suway ko.
Ngumuso lang siya sakin.
"OMGEEEE!! may bagong profilepic si Edison!" patiling sabi ni Angelou.
"patingin nga sis" dumungaw sa ipad ni Angelou si Angelie. grabe talaga tong kambal nato. haha
"Patingin nga din" sabi ko
Hmmm infairness ang kyut ni Edison dun sa bago niyang pp.
"Friend ba sila ni Ethan?" natanong ko agad. ewan ko ba din kong bakit.
"Oo naman Pia! imposible naman kung hindi no!magkagrupo sila tapos hindi sila friends? friends nga kami sa fb ng E5 except kay Ethan. madalang yun magopen ng fb then si Erik naman kj naman yun eh!" -Angelou.
"Paano mo yun nalaman lahat?" -gelie
"Duh sis? stalking!~" kanina pa to tili ng tili si Angelou. baliw talaga
"Mga adik talaga kayo sa crush niyo hahahaha" tinawanan ko lang sila.
"Hmp! try mo kasing magkagusto sa isang tao! hisst! nagbreak lang kayo ni Lawrence hindi ka na ulit nagka---!" biglang tinakpan ni Angelou ang bunganga ni Gelie "tumahimik ka nga" bulong nito sa kambal niya pero rinig ko din naman. haha!
"Opps sorry friend" -Angelie.
"N-no..its okay" sabi ko.
Tumingin ako sa watch ko, next class ko na pala "Sige bff's klase ko na eh bye!seeyah later" sabi ko.
"Ok bff!"
Dumeretso na agad ako sa next class ko, nandyan na ang prof. kaya late na ako. buti na lang mabait si mam Casicas kaya pinapasok niya pa din ako.
Nasa kalagitnaan na kami ng lesson, inaantok ako ngayon. hayyst! hindi ko pa din makalimutan yung sinabi ni Gelie... binanggit niya nanaman ang pangalan niya.. narinig ko na nanaman ng nakakainis na pangalan niya.
"Ms. Herrera?"
"Yes maam?" tinawag pala ako ni maam Casicas. Yan sa kakaisip ko sa lintek na lalaking yun!
"Pinapatawag ka sa Dean's Office" -maam Casicas.bakit kaya?
Tumayo na lang ako at dumeretso sa dean's office.
Ng makarating na ako sa opisina ng dean namin kumatok ako ng tatlong beses.
Pinagbuksan naman ako ng secretary ni Mr.Delos Santos, ang dean namin.
"Yes po Miss?" tanong sakin ng secretary.
"Pinatawag daw po ako ni Mr. Delos Santos"
"Ikaw ba si Sophia Herrera?"
Tumango lang ako bilang pagsagot
Ngumiti siya at pinapasok ako sa loob at sa pagpasok ko natanaw ko agad ang dean namin na may kausap.
Napansin ako ni Mr. delos Santos "Ms. Herrera there you are!"
"Ahh opo. bakit niyo nga po pala ako pinatawag sir?" tanong ko.
"Umupo ka muna Ms. Herrera, daluhan mo muna kami dito ni Mr. Hilaris may paguusapan tayong tatlo"
Hanooo daw?? Mr. Hilaris?????
Lumingon sa kinaroroonan ko ang lalaking tinutukoy ng dean namin, si Mr. Hilaris.
"Oh? Ms. Herrera? nice to see you again" nginitian ako ni Mr. Hilaris, pamilyar talaga si Mr. Hilaris sakin hindi ko lang matandaan kong saan ko na siya nakita maliban nung malapit niya na akong mabundol.
"Magkakilala na kayo ni Miss Sophia Herrera, Mr. Hilaris" -dean
"Yep, aksidente lang ang pagkikita namin" -Mr. Hilaris
"Oh.. mabuti na yun kung sakaling papayag si Ms. Herrera sa iaalok natin sa kanya" at nagtawanan ang dalawang tanders.
Teka?? alok?? "Alok po??" naguguluhang tanong ko. ano bang alok ang pinagsasabi ni Mr. delos Santos?
"Yes hija, umupo ka muna ng ididiscuss ko kung anong klaseng alok ito"
Umupo ako sa bakanteng upuan kaharap ni Mr Hilaris
"Mr. Hilaris is searching a good tutor for his one and only son.." sabi ni Mr. delos Santos
"Pumunta siya dito nung nakaraang araw.." enebe sir! pabitin...tsk!tsk!
"Ano po ang gusto niyong iparating Mr. delos Santos?" tanong ko.
"Hahaha! deretsohin muna si Ms. Herrera, Fred" -Mr. Hilaris
"Ok fine. ikaw,ang napili kong tutor Ms. Herrera, balita ko nagtutor ka din? at nangunguna ka sa Dean's list and i know your the best. Walang hihigit pa sa iyo Ms. Herrera kaya sana ay papayag ka sa alok namin sa iyo"- dean
"Ganon nga Ms. Herrera, kapag pumayag kang maging tutor ng anak ko, ako na ang bahala sa iyo. Sana ay pumayag ka, tanggapin mo na lang itong alok ko sa iyo bilang bayad sa kasalanan ko sayo" -Mr. Hilaris
Tutor??ng anak ni Mr. Hilaris?? ok lang naman sa akin dahil nagtutor din naman ako sa anak ng kapitbahay namin sa condo, pero hindi ko alam kong papayag si kuya. " Ganon po ba? pwede po bang pag isipan mo na?"
"Sure sure hija! tawagan mo lang ako kapag nakapagdesisyon ka na" sabay abot sakin ng calling card.
"So?Mr. delos Santos, i have to go now.. my client is waiting for me" naghand shake lang silang dalawa.
"Nice to see you again Edward, gwapong gwapo pa din ah! magkamukha talaga kayo ng anak mo" -Mr. delos Santos
"Well san pa ba magmamana?" at nagtawanan na naman ang mga tanders. mukhag magkakilala na sila ng matagal.
"Oh Ms. Herrera tawagan mo lang ako kapag buo na ang desisyon mo. Sigurado na akong ikaw ang gusto kong tutor para sa anak ko" naghandshake din kami ni Mr. Hilaris
"ok po sir"
Umalis na si Mr. Hilaris sa office ng dean. kaya ako na lang at si Mr. delos Santos ang naiwan
"Sir babalik na po ako sa klase ko" sabi ko
"Sure Ms. Herrera"
Kaya lumabas na ako at naglakad pabalik sa building kung saan ang room ko.
Habang naglalakad napapaisip ako sa alok ni Mr. Hilaris sakin na maging tutor ng kanyang anak, hindi naman sa hindi ko kaya. Actually sanay na ako sa gawaing ganon pero ang pinoproblema ko baka hindi papayag si kuya Stan. alam niyo naman yung kuya ko overprotective yun sakin, ayaw akong pinapatrabaho. Pinilit ko lang nga yun dati na pumayag para maging tutor ako nung kapit bahay namin sa condo.
Gusto kong tanggapin yung alok ni Mr. Hilaris sakin para naman kahit papaano yung sweldo na makukuha ko ay itutulong ko na lang kay kuya. Oh diba ayos yun?hihi.
Hayyst mamaya magpapaalam na lang ako kay kuya Stan. sana naman payagan niya ako.
___________
A/N: i loveeee youuuu friends!!
Hmm~ pasensiya na kung matagal akong magupdate..
Schedule po ng update ko is every Saturday and Sunday. dyan lang po sa dalawa. Either Saturday or Sunday or both.mehehe (*¯︶¯*) busy po kasi tuwing weekdays kasi schooldays po. you know..buhay estudyante.huhubells!ang herep...
Maraming salamat sa inyo!!love love friends!lahat ng bumabasa ng story ko friends ko! hihi.
-Misa ♥
BINABASA MO ANG
My Hot Tutee (ON-GOING)
Teen FictionSi Sophia Herrera isang college student. She's smart,kumbaga nasa Dean's List siya. At isang araw habang papatawid sa kabilang kalsada muntik na ito mabundol ng matandang lalaki at dahil di naman siya natuluyang mabundol walang masamang nangyari sa...