MHT 7

28 0 0
                                    

PIA's POV

"Bff! ang tagal naman ni Gelie!" -Angelou

Nadito kaming dalawa sa cafeteria parehong tapos na kasi ang klase naming dalawa, si Angelie naman may panghuling klase pa kaya hinihintay namin siya dito.

"Oo nga" sagot ko kay Gelou. 30minutes na kami dito sa caf, ako nagbabasa ng manga habang  si Gelou salita ng salita..hindi ko naman maitindihan (>_<) ang bilis magsalita eh.

"Hey! Pia..!" -Gelou

"Oh?"

"Wala lang.hihi..kanina pa kasi ako salita ng salita di ka man lang nakikinig *pout*" sabi niya...sooo cute magpout!

"Sorry..tinatapos ko pa kasi tong binabasa ko eh" sagot ko.

"Ok! ichecheck ko na lang muna yung instagram ko" nilabas niya sa bag niya ang kanyang Ipad.haha

Binaling ko muli ang atensyon ko sa binabasa ko..

*bzzzzzzt

Nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko sa pocket ng skirt ko.

(Hi miss Sophia.. susunduin ka pa ba namin diyan sa college department? Nandito kami sa labas ng main gate. Philip nga pala.. Kaibigan ni Than Hilaris)

Omygulay! nakalimutan kong ngayon pala ang unang araw ko sa pagturo sa anak ni Mr.Hilaris!pakingtape!

Dali dali kong nilagay sa bag ang book at sinabit sa balikat ang bag ko.

"gelou una na ako ha!may pupuntahan pa ako babye!" tumayo na ako at nagsimula ng maglakad.

"Oy!iiwan moko dito?? san ka ba pupunta!hoy Pia!" sigaw ni Gelou

"May aasikasuhin lang!..sorry wait mo na lang si twinsis mo babye!!" di ko na hinintay ang sagot niya tumakbo na ako.

Habang tumatakbo-lakad ako tinext ko yung Philip.

(I'm sorry nakalimutan ko kasi.. papunta na ako dyan..sorry ulit) sent!

Malapit na ako sa main gate..

"Bye guards!uuwi na ako!" sigaw ko sa mga gaurds, close kasi kami ng mga gaurds dito.haha

"Bye Pia" sabi ni gaurd John at gaurd Joey. oh diba?close kami!

Nang makalabas na ako ng gate napansin ko agad ang itim na sasakyan, ito na siguro yun.

Lumapit ako sa sasakyan at kinatok ang salamin ng bintana bumukas naman ito..

"Hi!Ms. Sophia Herrera?" tanong sakin ng lalaki. ito siguro si Philip.

"Ako nga" ngumiti ako sa kanya.

"Lika pasok" inaya niya ako sa pagpasok.

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan napansin ko agad ang isang lalaki..

Omg! siya?!

"Ethan Hilaris??!" gulat na sambit ko.

_________

My Hot Tutee (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon