•× C H A P T E R 8 ו

15 1 0
                                    

•× C H A P T E R 8 ו
I SHOULDN'T HAVE
AIKA WOLKZBIN
P O V

Nandito na kami ngayon sa isang rest house. Ang sabi ni Alistair ay rest house daw nila ito.

Tinignan ko ang suot ko. Bakit parang sangayon ata ang pananamit ko dahil naka long dress ako? Tinignan ko ang suot kong sapatos. Tsinelas. Sangayon nga talaga.

Tumayo ako sa sofa at pumunta sa kusina. Naabutan ko doon si Alistair na nagluluto ng kung ano man yun. Di ko na siya ginulo at lumabas na lang ng bahay.

Linapitan ko ang tabing dagat. Hinubad ko ang tsinelas na suot ko at itinaas ng konti ang long dress na suot ko. Lumapit ako at sa paghampas ng alon ay natamaan ang paa ko. Medyo malamig. Hapon na kasi eh.

I closed my eyes.

I took a breath.

I felt the cold wind as it past through me.

I miss mom.

Dati kasi palagi niya akong dinadala sa tabing dagat nung bata ako. Palagi kaming naglalaro sa buhangin. Gumagawa ng sandcastle na natutumba din agad. Palagi kaming terno ng dress kapag nagpupunta kami sa beach or resort. Kahit sa rest house namin. Kaso dahil sa tagal ng panahon, hindi ko na alam kung kamusta na ang rest house na yun. Baka binenta na nga ni dad eh.

Pero higit sa lahat, ang dagat din ang pumatay kay mom.

Napadilat ako dahil sa tumapik sa akin. Tumingin ako sa kanan ko.

Alistair

Nakatingin ito sa dagat. Nakashades siya at black t-shirt tapos pants. Naka paa na din ito.

Naramdaman kong muli ang paghampas ng alon sa paa ko.

"Wipe your tears" sabi niya. Napakunot ang noo ko at hinawakan ang pisngi ko.

May luha nga.

Agad ko itong pinunasan gamit ang mga kamay ko. Umiiyak na pala ako. Bwiset. Nakita pa ng manyak na toh. Pagkatapos kong punasan ang mga bwiset na luhang iyon at tumingin sa mga paa ko.

Muling humampas ang tubig dagat sa paa ko. Napatingin ako sa paa ng katabi ko.

Basa na yung laylayan ng pants niya.

"I'm sorry" sabi niya. Inangat ko ang tingin ko at muling kumunot ang noo ko.

"For?"

"For bringing you here" sagot nito. Mas lalong nangunot ang noo ko

"Why? I'm actually happy you brought me here" wika ko at tumingin sa dagat.


"No you're not" sabi nito na ikinalingon kong muli

"Paano mo nasabi?" Tanong ko at nag cross arms

"The first teardrop fell from your left eye indicating sadness. The scenery must have triggered a sad memory" paliwanag nito. Napatango ako dahil sa sinabi niya.

Ganun pala yun.

Nagulat ako nung may tubig na tumalsik sa muka ko. Agad ko itong pinunasan ang nabasang muka ko. Tumingin ako kung saan ito nanggaling at nakitang may hawak na water gun si Alistair. Imbis na mainis ako ay natawa pa ako. Bakit?

Stuck Between Mind And HeartWhere stories live. Discover now