Chapter 37

40 4 0
                                    

Nagsimula na ang physical activities and after three games head to head kami ng team ni Chuck. In fairness ha, nakakatulong ako sa grupo namin, hindi ako pabigat.

I was the 'muse' dun sa team cheer namin, I was lifted off my butt by Sir Jules at yung iba pa naming kasama, during the relay I skipped rope ng twenty times na muntik na akong mag-collapse from.

Yung third game was a game of getting the most water from the pool, dahil hindi nga ako magaling lumangoy nasa tabi lang ako ng pool at nag-ch-cheer sa team namin, di kami masyado nagkakamoment ni Chuck dahil pareho kaming nag-eenoy at busy. I mean I think he's having fun kasi lahat naman nag-eenjoy. During that game nakita ko rin syang nasa unahan ng pila, malamang magaling rin sya lumangoy, is there anything this guy is bad at?

Sila ang nanalo dun sa huling game, nagka-angasan pa nga sila ni Sir Jules when he said na swerte lang daw sila Chuck, Chuck just gave him an eyeroll and ignored him.

Sore loser naman tong Team Captain namin.

We had to take a much needed lunch break at nagstart na kaming maglakad pabalik ng restaurant.

Tinawag ako nung facilitator so they can immediately set up the last two games, I called the resort manager dahil pagod na rin ako and I really want to take my lunch break na. I left them talking there at napansin kong inaabangan ako ni Chuck sa isa sa mga cabana dun, at dahil nakaalis na ang mga officemates namin, umupo na ako sa tabi nya.

"Jusko pagod na pagod na ako may two games pa!" sabi ko habang nauupo.

Paglingon ko sa kanya mukha syang galit so nagtanong ako, "Oh, bakit ganyan itsura mo?" Inasar ko pa sya, "Don't worry, pagbibigyan pa namin kayo para makahabol kayo."

He looked at me pero he's not smiling, anong problema nito?

He takes a deep breath then starts, "I don't want you going near that guy. Si Jules."

Ay may ganun?

I slap his thigh, "Sus. Yun? Wala yun pa-cute lang di naman ako tatablan nun."

He faces me, "He's been touching you! Hindi mo ba napansin? China-chansingan ka na hindi mo pa alam!"

I raise an eyebrow, "Ano ba yan? Kasama sa games yun tsaka hindi lang sya yun ah, bakit di mo pinagseselosan yung iba?"

He huffs a frustrated breath, "Yun na nga eh, there are other guys in your team but he keeps on putting his hand on you, touching your arm, rubbing your shoulder, ano manhid ka di mo maramdaman?"

Sasagot na sana ako when I think about it, really think about it. Oo nga, mejo touchy feely tong si mokong ah. At parang puro sa akin nga.

Dala na rin siguro ng pagod at init I say, "Aba anong gusto mong gawin ko. Sabihin ko wag akong hawakan ng walang dahilan? Hindi ba magmumukha naman akong suplada nun?"

He looks at me annoyed, "You could say your boyfriend doesn't like it."

I raise an eyebrow, "Ah ganun? Gusto mong mag-scandalo ako dito? What are they going to think?"

He laughs without humor and nods, "Yeah, because that's what you're worried about right? What they are saying? What they feel?"

He stands up and looks at me, "You should really get your priorities straight, Andi."

Hala, ako pa ang mali e sya yung malisyoso ang utak diba? Ako pa ang sablay ang priorities? Hindi na ba priority ang kindness sa panahon ngayon?

Dahil nawalan na ako ng gana kumain sumubo lang ako ng konting pagkain then proceeded to help the facilitators sa pag-prepare.

***

The facilitators start, "Okay guys, this is our second to the last game. Team Blue leading by ten points and Team Red following close." Team Blue kami and we're doing exceptionally well, sila Ms. Claire pang-apat yata sa ranking. She looks like she enjoys talking to the staff kesa dun sa games.

We were by the beach and may mga nakita kaming styro, ropes at mga salbabida – yung matibay, yung interior ng gulong.

"Okay, this is the game that will determine how you strategize, how you work as a team and how fast you can do it while trying to ensure everyone's safety." The facilitator says sa megaphone.

The facilitator lifts the rope, "Per team, you are all going to make a boat using the materials you see here. The boat must be able to carry all of your team members when you go to the buoy over there..." itinuro nya ang buoy sa bandang gitna na ng dagat, "then you will turn back and return here. The first team that makes it gets thirty points!" Naghiyawan lahat, napangiwi lang ako kasi nga hindi ako magaling lumangoy at feeling ko pag nalaglag ako sa bangka lunod ako.

"Does it have to be everyone? How about those who can't swim? We can't risk them going out into the water." Tanong ni Chuck na nasa bandang kanan a few feet from me.

The facilitator nods, "Each team will be given life vests for those who want to use it. We don't want any accidents here."

After ng questions ng iba, we all went to get our materials at gaya nga ng sabi ni Chuck, papansin tong si Sir Jules dahil tumabi sya sa akin saying that he's a good swimmer so I should stay beside him.

I give him a fake smile and notice na nakatingin sa amin si Chuck, watching us like a hawk. Ano ba? Wala bang tiwala sa akin to? My initial reaction was to run far away from Sir Jules pero ngayong binubwisit ako nito ni Chuck, I stayed.

We got to working on the boat when the whistle to start sounded.

Lahat na nagpakabusy at after fifteen minutes of working, natapos na namin ang boat namin, paglingon ko kina Chuck they're already pushing their boat papunta sa dagat. Sumigaw si Sir Jules ng "Get moving!"

Nagtakbuhan na rin kaming mga nakalife-vests habang binubuhat ng mga lalaki yung boat para mas mabilis kaming makapunta sa tubig.

Nasa dagat na sila Chuck and he was at the back of their boat na parang pa-square ang shape, he's not on the boat but he's at the back of it pushing it with the rest of the swimmers sa team nila.

Nanghinayang ako kasi nasa tubig sya so di ko kita yung muscles nya habang nagf-flex. Biglang may humatak sa akin at sinabihan akong sumakay na sa boat namin which is shaped like a banana.

Nagkarera na kami sa tubig pero mukhang malabo na kami mauna kina Chuck, I can hear his voice yelling the direction they should take.

Nakaikot na kami sa buoy at pabalik na at nagsisisigaw na rin si Sir Jules para bilisan namin, nakakahiyang maging pasahero lang so ang ginawa ko na lang nun is to check on everyone kasi baka sa sobrang init may biglang mag-collapse at malunod.

Pero sabi ko nga kanina wala na kaming pag-asa mauna so hindi na ako na-surprise nung nagsigawan ang team ni Chuck when they reach the shore. They were cheering and I can't help but pout nung nakita kong nag-ggroup hug sila – kasi shirtless pa rin si Chuck. At kitang kita ko ang mga hitad na grabe yumapos sa kanyang wet, ripped abs.

Tangina.

Karma's a bitch.

She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon