Chapter 38

42 5 3
                                    

After namin mag-relax ng onti at nakapagpahinga na lahat, the facilitator yells, "Last game everyone! And this is for thirty points and determines the winner!"

Nagkatinginan lang kami kasi hinahapo pa kami, "Don't worry, this won't require skill or wit..." he smiles, "It will just require your willingness to win."

Lahat kami confused but we followed him to a part of the beach with a starting line, then on the other side of the beach nakaabang yung ibang mga facilitator.

He starts again, "Okay, this is just a way for us to have fun and to see kung kaya nyong ibigay lahat para lang manalo! This game is called – The Longest Line."

Naghiyawan yung mga lalaki at napairap naman ang karamihan sa mga babae.

I hang my head down, naku po jusme lalo na kaming mag-aaway ng jowa ko.

Pumila na kami and Sir Jules suggested na isa isa kaming maghubad para hindi magulo yung line namin. Guys first then kaming girls.

The facilitator blows the whistle and everyone starts taking off their clothes, una mga lalaki and yung girls nag-aabang lang if need pa namin mag-contribute, I see Chuck take his shirt off again at nag-tilian yung mga ka-team nya.

Ano ba naman yan.

I clap my hands habang nakikitang humahaba yung line namin with the contributions ng guys, taking off kahit yung shorts nila leaving them in their boxers or briefs lang. Dedma muna, need naming manalo.

Nung wala nang mahubad yung guys at humahaba pa yung sa mga other teams, mukhang kailangan talaga naming tumulong. Nagsihubaran na rin ang mga girls kong team mates, inumpisahan sa bandana, sa shoes tapos yung mga kung ano anong pang-tabon nila sa araw. Nag-strip na rin yung iba to their bikinis, yung iba ang kikinis, yung iba naman ang lalakas lang ng loob.

Hindi pa ako nag-dodonate ng damit, ang binigay ko lang yung bandana ko tsaka slippers at sling bag. Naka long-sleeves pa naman akong loose na may tankini sa ilalim, hindi pa rin naman masyadong mahalay pag nagkataon. I looked over sa team ni Chuck at tama nga ako para talaga tong guwardiya kasi nakatitig na sya sa akin parang may pag-hamon as if sinasabi nyang: "subukan mong maghubad".

Paglingon ko sa line namin konting kembot na lang maaabutan na ng team nila Chuck, sinabihan ako ni Sir Jules, "You need to take your shirt off. Mahaba yan."

Napalunok ako at napatingin ulit kay Chuck, his eyes are saying: "Don't you dare."

At syempre ano pa ba ang gagawin ng isang gagang tulad ko? I put my hands sa laylayan ng shirt ko and lifted it off my body.

Buti na lang nakapag-pa-wax ako ng kilikili.

I bent down and put my shirt and the whistle blows. The facilitator calls our team the winner and we all jump up and down.

Actually, exaggerated lang naman tong si Chuck dahil wala namang pumapansin sa mga girls na naka-swim suit na lang, dahil lahat naman hubad na.

We cheer and give each other group hugs.

When I look back at Chuck he's putting his shirt back on with murder in his eyes.

***

We all relaxed and enjoyed the beach after ng activities. Chuck was busy with the socials night so wala sya habang nag-chi-chill kami ni Jem sa pool.

The beach is super ganda and the water seems inviting pero pool person talaga ako, isa sa mga fears ko e mamatay sa pagkalunod or makagat ng shark.

Naka-shades si Jem nang napalingon sya sa labas ng pool, ako naman nag-chi-chill lang sa ibabaw ng salbabida.

"Seriously?" Napatingin ako nang magsalita si Jem at sinundan ko ng mata ko ang tinitingnan nya.

She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon