Sydney's Point of View
June 18, 2012 (First Day, 1st year College)
"Make sure to listen to your professor carefully. Kapag may hindi ka naintindihan, magtanong ka kaagad. I don't want you to be left behind in class. Don't just try your best, do your best." umagang-umaga ay napepressure ako kay Daddy. Ngayon ang first day of school, college na ko ngayon kaya naman mas ramdam ko ang high expectations sa'kin nila mommy at daddy.
"Yes daddy."
"Hangga't maaari, you need to reach our expectations dear. Ikaw ang panganay at ikaw ang magmamana ng company pagdating ng panahon." ginatungan pa ni mommy ang pangpe-pressure kaya naman feeling ko ay hindi ko na maipinta ang mukha ko ngayon.
Hindi na ako halos nakasagot sa bawat payo nila. Hindi ko na rin kasi malaman kung advice pa ba 'yon o utos.
Pagkatapos ng mahaba-haba pang paliwanagan, sa wakas ay papunta na ako sa school. Kinakabahan ako pero nangingibabaw ang excitement dahil mukhang kakayanin ko naman siguro 'to.
*****
"SYDNEYYYYYYY!!!"
"JACQUUUUIIIII!!!" Oo ganto kami kaexcited bakit ba.
"I miss you friend!" parehas na kaming maluha-luha habang magkayakap.
"Jusmiyo Sydney, pumayat ka na naman. Kumakain ka pa ba ha? Anong nangyari sa'yo?" emotional na talaga si Jacqui.
Sasagot na sana ako kaso may biglang pumitik sa noo namin ni Jacqui. Anak ka nga naman ng nanay mo.
"Greg!" sabay pa.
"Umayos nga kayo. Mukha kayong tanga diyan e magkasama lang kayo nung isang araw, tsh." umeepal na naman 'tong bading na 'to.
"Ano bang pake mo? Belong ka pa ba sa friends? Hindi na 'no! Iba ang major mo kaya shoo!" tinataboy ni Jacqui si Greg, overreacting na naman.
"Wow, parang di magkasama ng department ha." yep, BSBA kaming tatlo, naiba lang ng major si Greg kaya tinataboy siya ni Jacqui. Ganon siya ka-OA.
"Kamusta ka na Sydney Beh? Okay ka na ba? Pasensiya na talaga sa nangyari nung 18th birthday mo. Dapat talaga tinuloy na lang natin yung plano na itakas ka para atleast kung mapagalitan ka man, nakapagcelebrate ka."
"Okay na 'ko Greg. Don't mind me. It's just a birthday after all." naging gloomy na naman ang mood ko dahil naalala ko na naman ang nangyari nung birthday ko. Hindi ako okay, alam ko 'yon sa sarili ko.
'Sino ba naman ang magiging okay kung mismong parents mo ay nalimutan ang araw kung kailan ka pinanganak. I guess they're not really grateful when I'm born. Everbody remembers the day when they're happy.'
Hindi na binanggit pa ni Greg ang nangyari nung birthday ko dahil napansin niya na siguro ang pag-iiba ng mood ko.
Nagpaalam na agad si Greg dahil may iba pa naman siyang group of friends. Wala namang problema sa'min ni Jacqui dahil baka mapagkamalan pa siyang bakla kung sa'min siya sasama though medyo imposible dahil ang manly niya tingnan and besides, ka-close din naman namin ang nasa group of friends nila pero mas komportable namin ni Jacqui na kami lang ang magkasama. Mga chic boy kasi ang mga 'yon, baka mabiktima pa kami lalo na't marupok 'tong si Jacqui, tsh.
Ang bell na nagsisilbing sign na time na ang nakapagpakaba ulit sa'kin. Kaklase ko pa rin naman si Jacqui dito sa unang subject pero hindi sapat 'yon para mawal yung kaba ko dahil nga sa sobrang pressured ko kanina kila mommy.
BINABASA MO ANG
Love Once Again
RomanceWe were happy. We were inlove. We were perfect. "We used to." "Can't we fix it?"