Clyde's POV
Papunta ako ngayon sa Makati City, ng may mapansin akong kanina pang nakasunod sa kotse ko na black van. Nabuhay ang kaba sa aking dibdib, at hindi na ako makapag focus sa pagmamaneho.
Maya maya lang hindi ko na napansin na nasa intersection road na ako at may kasalubong akong malaking truck pero hindi ko inaasahang may haharang na pulang kotse sa harap ko para sya ang mabunggo ng truck na dapat sa akin tatama.
d0ㅇ0b
Napapalunok ako sa nakikita ko ngayon. Dahil parang pamilyar ang pulang kotse na humarang sa harap ko para hindi matuluyan na ako ang tamaan. Bumaba ako ng kotse at pinuntahan ang pulang kotse. Umuusok ito pero pilit ko parin binuksan ang driver seat. Sa likod lang ang tama ng kotse nito.
Halos manlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang nasa loob.
Si Venix! Pano nyang nagawa to? Nawala na ako sa huwisyo dahil hindi ko alam ang gagawin ko.Pinilit ko syang ilabas sa kotse nya. Pinagkukumpulan na kami ng tao, may narinig na akong tunog ng ambulansya atsaka ko sya binuhat.
Omy god! Diba si Scarlett Reyes yan? Yung model ng Robinson's Mall! bulungan nung isa.
Oo sya yun! Hala bat anong nangyari? Sana makaligtas sya ang laki nung truck na nakabundol sa kanya. sagot nung isa.
Please Venix wake up! Hey hold on! pagigising ko sa kanya at tanging ungol lang ang naisagot nya. Tinapik ko ang pisngi ng tuluyan na syang mawalang ng malay, at halos bumaksak na ang mundo ko dahil sa pag aalala na baka kung ano ang mangyari sa kanya ng dahil lang sa pagsagip sa akin.
Dumating na ang mga ambulansya at kinuha na nila si Venix. Dali dali akong sumakay sa kotse ko para sundan sila. Nawala na sa isip ko ang black van na yon dahil sa nangyari.
Pagdating ko sa parking lot ng hospital ay binuhat na nila si Nix at ilalagay sa stretcher, hinabol ko sila. Sumunod ako hanggang sa emergency room.
Hinarang ako ng isang nurse. Sir hindi po kayo pwede dito. Hintayin nyo nalang po ang doctor sa may bench. sabi nya at sumunod na lang ako.
Hindi ako mapakali, mga ilang oras din akong naka upo, narinig kong bumukas ang pinto ay napatayo ako bigla. Lumapit sa akin ang isang doktor.
Relative of the patient? tanong nya at tumango ako.
Doc kamusta ho ang lagay na? nag aalalang tanong ko.
Hindi natin masasabing okay si Ms. Reyes, Mr.Ardiente because of major traumatic brain injury from car accident. At dahil doon pwede syang magka amnesia. pagpapaliwanag ng doktor na syang nagpayanig sa buo kong pagkatao.
Pero hindi nya deserve tong ganitong kalagayan ako dapat ang nandyan! Damt it!
Kailangan na namin syang dalhin sa ICU. paalam sa akin ng doktor.
Hindi! Hindi pwedeng mangyari yon! Dahil may kailangan pa akong patunayan sayo Venix!
YOU ARE READING
My Unexpected Love Story
FanfictionSometimes, someone comes into your life, so unexpectedly, takes your heart by surprise, and changes your life forever. Sometimes the greatest relationships are the once you never expected to be in.The ones that sweep you off your feet and challenge...