Untold Feelings

52 0 0
                                    

Habang nag lalakad sa daan papunta sa likod ng library ay hindi mapigilang mapabuntong hininga si Kiko. Kung hindi lang dahil sa mga estudyanteng may activity sa hallway ay hindi siya dadaan doon, no choice lang talaga siya. It’s been 9 months ng huli niyang puntahan at madaanan ang lugar na ‘yon. Bukod kasi sa hindi naman talaga ito isang regular na daanan ng mga estudyanteng papunta sa library, may iniiwasan rin siyang alaala ng nakaraan.

Malimit gawin ni Kiko ang huminto at magtago sa likod ng puno sa likurang bahagi ng library kung saan iilang estudyante lang ang nakakaisip na dumaan o pumunta. Mula sa kanyang kinatatayuan ay kontento at tahimik niyang tinitignan si Adrianne na tahimik na gumagawa ng kanilang report kasama ang Bestfriend nitong si Nikki at classmate nitong si Paul. Nakaupo ang tatlo sa ilalim ng malaking puno na may mga lamesa at bench kung saan nagsisilbi itong working area at paborito nilang tambayan simula pa noon.

Si Adrianne na may tuwid, mahaba, maitim, malambot at mabangong buhok. At sigurado naman si Kiko sa bagay na ‘yon dahil may mga chance na katabi niya si Adrianne at sinasadya man o hindi ay naaamoy niya ang mabangong amoy ng buhok nito. Ang paghawi at pagsuklay gamit ang kamay niya ay laging kinaaaliwan ni Kiko. At kahit seryoso ito sa pagbabasa ay nakangiti naman ang mga labi nito. Para bang nakalimutan na ang mga problema nito at kung paano sumimangot. Maging ang marahan at mahinhin nitong pagtawa ay saulado na niya. Si Adrianne… ang kaibigang lihim niyang minamahal.

“Good morning!” Nakangiting bati sa kanya ni Adrianne na halos araw-araw naman nitong ginagawa tuwing nakikita siya.

“Good morning din!” Nakangiting sagot niya bago siya naupo sa tabi nito. Pagkatapos ay nagsimula na sila ng kanilang group study na may halong kulitan.

Ang nararamdaman niyang ‘yon para sa maganda, matalino, at mabait na si Adrianne ay matagal niya ring naitago, at nang sabihin niya ito kay Kiko ay pinagtawanan pa siya nito at sinabihang isang taong nuknukan ng torpe; Pero sa una lang iyon, dahil kaibigan –sinuportahan naman siya nito.

“Why don’t you tell it to Adrianne?” Ang minsang tanong ni Paul.
“Nakakahiya yata yun pare?  She only sees me as a friend, and kaibigan lang rin ang alam niyang tingin ko sa kanya. Baka kapag ginawa ko yun, iwasan niya akong bigla.” Malungkot na sabi ni Kiko.
“Ano ka ba naman, Kiko? Sige ka, ikaw din…Mahirap yung ganyan at baka magkasakit ka pa sa puso sa kakalihim mo niyan.” Biro ni Pail sa kanya.

Lumipas ang mga araw, hanggang sa maging buwan ay hindi nagawang magtapat ni Kiko kay Adrianne sa kabila ng napakaraming pagkakataon na meron siya.

“Kiko, bakit wala ka pang girlfriend?” minsang naitanong sa kanya ni Adrianne habang hinihintay nila ang dalawang kaibigan na galling sa date. Hindi agad siya nakasagot sa tanong na iyon.
“Wala ka man lang bang nililigawan? Hindi kasi ako naniniwalang wala kang nagugustuhang babae gaya ng mga biro nila Paul at Nikki.” Sabi pa ni Adrianne na parang isang napaka-amo at napakagandang anghel.
“Hindi naman talaga totoo yun eh… Syempre meron akong babaeng gustong gusto, ang totoo nga nan eh… mahal ko na ata siya.” Sagot ni Kiko habang nakatitig sa mga mata ni Adrianne. Nginitian naman siya ni Adrianne.
“Eh kung ganun, bakit hindi mo siya ligawan?”  Sabi nito bago binuklat ang hawak na libro.
“Nag iipon pa kasi ako ng lakas ng loob.”  Sabi niya bago bahagyang tumawa.
“Napaka-swerte naman ng babaeng yun kung sakali…” Sabi ni Adrianne na hindi pinansin ang pag tawa niya.
“Ako ang maswerte sa kanya kung sakaling malaman ko na gusto niya rin ako at handang sagutin.” Ang sabi niya. Dahil ikaw yun Adrianne… Ikaw ang babaeng tinutukoy ko. Sabi ng isip.

Pero ang usapang ‘yon ang naging huling usapan nilang dalawa ni Adrianne. Dahil makalipas ang ilang araw ay biglang hindi na ito nakakapunta sa mga group study at hangouts nila. At kung nandun man ito ay hindi na ito kasing sigla ng dati kahit pa nga lagi pa rin itong nakangiti. Napansin rin ni Kiko na si Nikki na lang ang lagi nitong kasama at kausap. Kung bakit ay hindi niya alam, at hindi niya naman makuhang alamin.

Hanggang sa isang hapon ay inabutan ni Kiko si Adrianne sa paboritong tambayan nila na nag iisa. Biglang lumakas at bumilis ang tibok ng puso ni Kiko at inisip  na magandang pag kakataon ‘yon para ipagtapat kay Adrianne ang kanyang tunay na nararamdaman. Pero malayo pa lang ay napansin na niyang tila malungkot ito. Nakayuko si Adrianne at parang may malalim na iniisip; Ito ang unang beses na nakita ni Kiko si Adrianne na wala ang matamis na ngiti at maningning na kislap ng mata.

“Adrianne?” patanong na tawag sa pananahimik nito.
“Ikaw pala Kiko, mabuti dumating ka…” ngumiti ito pero hindi tulad ng ngiting nakasanayan niya.
“Ha? Anong ibig sabihin… hinihintay mo pala ako rito kanina pa? Bakit? May problema ba? Diba’t kanina ka pa nag paalam na mauuna ka ng umuwi?”  Sunod sunod na tanong niya kay Adrianne.
“hinihintay talaga kita. Mag papa-alam sana ako sayo Jelo.”
“M-m-mag papaalam ka? Bakit? Saan?”  Lito niyang tanong at ganun na lang ang tindi ng kabang naramdaman ni Kiko sa bagay na iyon.

Mahaba ang nagging paliwanag ni Adrianne, pero sa dinami-rami ng sinabi nito ay iisa lang ang paulit-ulit na naririnig ng isipan ni Kiko. Aalis na si Adrianne. Sa States na ito maninirahan at hindi niya alam kung mag kikita pa silang muli. Tila isang bomba sa kaalaman ni Kiko ang bagay na iyon. Dahilan para siya’y matigilan at bigla ay nag blanko sa kanyang paningin ang paligid.

“Kiko?”  Tawag ni Adrianne sa pananahimik niya. Pero hindi matagpuan ni Kiko ang sariling tinig, tila natameme. Para bang nalunok niya ang kanyang dila at hindi niya nakuhang mag salita. Kaya ipinag patuloy ni Adrianne ang iba pang sasabihin.

“Mami-miss ko kayo nila Nikki at Paul. Ayaw ko sanang mag paalam sa inyo dahil ayaw ko kayong malungkot, at ayaw ko ring malungkot. Pero kailangan ko talagang sumama sa parents ko. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako makakalimot; sana ganun ka rin… Salamat sa friendship Kiko. Mag tapat ka na sana dun sa babaeng mahal mo. Sana sagutin ka na rin niya. Sa totoo lang, I admire you Kiko, pero hanggang friends lang talaga tayo dahil may iba kang gusto. I accept that. I wish you all the best of luck. Always take care of yourself. Goodbye Kiko!” Sabi pa ni Adrianne bago siya nito hinalikan sa pisngi at umalis.

Nakaalis na si Adrianne at alam yun ni Kiko. Pero wala siyang nasabi o nagawa man lang kahit pa nga kitang-kita niya na itong nag lalakad palayo sa kanya. Palayo ng palayo… hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin.

“Adrianne…” sambit pa niya sa pangalan ng babaeng labis na minahal habang nakatingala sa puno na matagal niya ring hindi nakita, kasabay niyon ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ni Kiko sa muling pag sariwa ng lungkot, sakit at panghihinayang sa kanyang puso.

“Yung tipong mahal mon a siya at hand aka ng umamin… tsaka naman magiging komplikado; at ang masakit pa sa lahat… kailangan niya ng lumayo…”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Untold FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon